✰ Chapitre Douze: Wait Beside the River

39 8 4
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Iʼll just wait beside the river
But I will not do that forever
I badly want us to get back together
While our skin was touched by the moonbeamʼs silver sliver.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Douze:
WAIT BESIDE THE RIVER

—Wesley

"Tanginang ʼyan... Bakit ngayon pa tayo nasiraan ng kotse?!"

Ilang beses akong napamura habang patuloy na inaayos ang makina ng lumang kotse ng ama ko. Ilang minuto pa lang naman simula noong nasiraan kami ng kotse pero putangina naman, kung kailan nagpakita na ang Emerald Star sa aming dalawa ni Frankie ay bigla na lang ʼyon masisira.

Tumirik ang sinasakyan naming kotse sa gilid ng isang ilog. Ayoko mang isipin pero naiisip ko na naman ʼyong mga panahong kasama ko pa si Louisa na tumambay sa gilid ng ilog, habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

Habang nag-aayos ako ay pasimple ko ring sinisilip si Frankie na nakaupo ilang dangkal ang layo sa ilog. Nakatingala at nakatulala na naman.

Buti na lang talaga, hindi ganʼong kalala ang naging sira ng kotse kaya naayos ko agad ʼyon sa loob lang ng ilang minuto. Pagkatapos nʼon ay lumapit ako kay Frankie habang pinupunasan ang mga kamay ko gamit ng isang tuwalya.

"Frankie, naayos ko na ʼyong kotse. Pwede na tayong bumiyahe ulit," tawag ko sa kanya, pero nanatili lang siyang nakatingala sa langit.

"Frankie? May problema ba?"

Lumingon siya sa akin at ngitinitan ako nang matipid.

"Wala naman." Tumingala na ulit siya sa langit. Tahimik akong tumabi sa kaliwang gilid niya, at doon, pareho na naming pinagmamasdan ang madilim na langit.

Libo-libong mga bituin na naman ang nasa madilim na kalangitan ngayon. Ngunit ang pinakamaliwanag doon ay ang Emerald Star, na hanggang ngayon ay sobrang nagliliwanag. Nanatili lang akong nakatulala doon, na para bang inaakit ako nʼon.

"May tanong ako," biglang nagsalita si Frankie, dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Kung makakausap na natin nang personal si Emeraldimë, ano ang gagawin mo? Mga itatanong?"

Sandali akong napaisip sa tanong niya, pero nasagot ko naman agad ʼyon.

"Kung pwede, manghihingi ako ng tulong para makita ulit si Louisa, buhay man siya o patay na," tugon ko. "Hindi pa rin ako matahimik, sa totoo lang. Kahit halos limang taon na simula noong nawala siya ay hinahanap ko pa rin siya. Naghihintay sa muling pagkikita namin—kung magkikita pa nga ba kami."

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon