✰ Chapitre Vingt-Huit: The Battle in Cosmos (Part Three)

10 3 0
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Vingt-Huit:
THE BATTLE IN COSMOS (PART THREE)

April 18, 2020.

in the present time...

—Alixandir Legaspi

"Ayus na ba ang lahat?" mahinang pabulong ko sa lahat ng mga kasama ko ngayon na nakapalibot rito sa factory ng LH Shopping Network. Kami kasi ang naka-assign na sumugod at magpasabog ng buong factory—at gagawin lang namin 'yan kapag may binigay ng signal si Av'ry.

Habang nagtatago kami sa mga bushes ay bigla akong nilapitan ng isa sa mga kasama ko ngayon. May dala siyang cell phone at may pinanood sa akin na live video.

"Al, may nangyayari ngayon sa Yellowstones Amphitheater!" aniya.

"Ha?! Lemme see nga!" Agad king hinablot ang phone niya at ang unang bumungad sa akin ang pagmumukha ng half-brother ko.

Ayos, ano kaya'ng pakulo nito?

"Live from our bloodline's haven... I am Avery, the former gang leader of The World Enders... Are you all surprised that I'm still alive after many years of my disappearance?" Napangisi ako nang magsalita na siya sa harap ng camera. Aba, ito na yata 'yung sinasabi niyang signal noong nakaraang araw!

Inutusan ko ang lahat ng mga kasamahan ko na panoorin muna ang live video habang inaabangan ko ang sinasabing signal na ibibigay sa amin ni Avʼry. At nang matapos ang mahabang speech niya ay bigla na lang siyang lumapit nang sobra sa camera.

"I don't have much time to explain how evil that shopping network is and convince you to get away from there, but please, don't let that fucking Creature from the Void control every single one of you and conquer the whole cosmos!" Pumintig ang mga tenga ko, dahil mukhang ibibigay na niya talaga ang signal pagkatapos ng mga salitang 'yan.

At ang gago lang din, kasi tama ang akala ko.

"Al, attack the site NOW!" Nang sinabi 'yan ni Av'ry ay ibinigay ko na agad sa kasama ko ang phone niya at sinabihan na ang lahat na humanda na sa paglusob. Ilang segundo lang ang nakalipas ay maraming putok ng mga baril at pagsabog ng mga granadang dala namin ang umalingaw doon sa buong factory.

Hindi naman ako kabado na mauubusan kami ng mga tao at mga armas doon, dahil nagdagdag pa ako ng mga tauhan mula sa isang gang group doon sa Amberwoods—at umorder rin ako ng mas maraming armas mula kay IX noong mga nakaraang araw.

"Sirain lahat ng mga vials ng Vide Noir! Pasabugin lahat ng mga kwarto! At patumbahin lahat ng mga titigil sa ginagawa natin!" Malakas na hiyaw ko sa mga kasamahan ko habang dali-dali akong pumupunta sa isang "examination room" na sinabi sa akin ni Britanny bago kami umalis n'on sa mansion niya. May pinapakuha kasi siya sa akin na hindi ko naman alam kung para saan niya gagamitin, basta kukunin ko na lang din ʼyon—puta!

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon