▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
The darkness is now retreating
And her light is slowly shining brightly
Up there to the firmament
All along with other billions of stars.▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapter Trente en Un:
THE BATTLE'S AFTERMATH—Unnamed
Hindi pa rin tapos ang sinasabi nilang Battle in Cosmos sa mga oras na 'yon, at kasalukuyan pa ring nakikipaglaban ng ilang mga kasama nina Wesley Vernon at Britanny Bradbury sa loob ng mismong Yellowstones Amphitheater.
Ang karamihan sa kanila ay bahagyang nahihirapang pabagsakin ang mga tauhan ni Dean Farrar at gamutin ang ilan pang mga taong na-black-brained ng Vide Noir. Ang isa sa kanila doon ay si Claira, ang nakilala nina Wesley at Louisa noong napadpad sila sa campsite niya.
Katulad ng ilan pa nilang mga kasamahan ay may dala rin si Claira na Cosmic Ash Diffuser para gamutin ang mga na-black-brained sa kaliwang kamay niya, habang may hawak naman siyang shotgun sa kanang kamay niya para tamaan ang mga kalaban nila. Kahit na ilang taon na siyang bihasa sa pakikipaglaban, ito na siguro ang digmaang nahihirapan siya nang sobra. Hindi lang dahil sa marami ang mga tauhan ng Creature from the Void, kundi dahil na rin sa lakas ng kapangyarihang taglay niya—lalo na sa bago at mas pinahusay pang bersiyon ng Vide Noir.
Bagama't mas makapangyarihan ang hukbong binuo ng halimaw, hindi pa rin nawawala ang pag-asang nasa puso't isipan ni Claira. Malaki ang tiwala niya sa mga nilalang na nasa taas—ang mga cosmic servants—lalo na kina Idra at Emeraldimë. Alam niya at nararamdaman niyang gagabayan sila ng mga 'yon sa labang kinakaharap nila ngayon, at tutulungan rin silang lahat na matalo ang Creature from the Void.
Habang nakikipaglaban si Claira kasama ng grupo niya ay bigla na lang niyang naalala ang grupo nina Alixandir at si Avery. Bago pa magkagulo sa amphitheater ay tinawagan siya ng isa pang babae na ang pangalan naman ay Stacey Renauld, at sinabing pasusunurin niya rin daw ang grupo nina Al at si Avery doon sa amphitheater. Hindi niya masyadong kilala ang babaeng tumawag sa kanya, pero pamilyar siya dito dahil alam niyang siya ang founder ng Muttering Trees.
"Paparating na ba ang grupo nina Alix at si Avery?!" Nagtanong nang malakas si Claira sa iba pa niyang mga kasamahan na abala rin sa pakikipaglaban. May sumagot naman na isang babae na nasa 70s. May kayumanggi siyang balat at may suot na dark blue coat.
"Oo, malapit na raw sila!" sagot naman ng matandang babae habang ginagamot niya ang dalawa sa mga taong na-black-brained ng Vide Noir.
"Ano'ng oras naman kaya sila darating?! We need backup right now to do our next plan—"
BINABASA MO ANG
Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓
Fantasy★ COMPLETE • UNEDITED ★ In this book, you will see the journey of Wesley Vernon. All along with a girl who named herself "Frankie" because she couldnʼt remember who she was and what happened to her, both decided to search for the answers to their co...