✰ Chapitre Vingt-Trois: Gloomy Night

12 3 0
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

The night is so gloom
And I wanna be with you
But you're already dead and gone
So what am I supposed to live for now?

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Vingt-Trois:
GLOOMY NIGHT

—Wesley

Sa unang labinlimang minuto na pagmamaneho ko ay pareho kaming walang imik ni Britanny sa isa't isa. Nakatingin lang din kasi ako nang diretso sa binabaybay kong kalsada, habang siya naman ay may hinuhuni na kung ano-ano at nakadungaw sa labas ng bintana. Pero binasag rin ni Britanny ang katahimikan nang bigla niyang binuksan ang radyo nitong sinasakyan naming kotse.

"You are listening to Alive from Muttering Trees! I am your host tonight, DJ Xel, and I am here to travel you back in time..." Isang mababang boses mula sa isang lalaki ang una naming narinig nang buksan ni Britanny ang radyo. The DJ speaks slowly, but it didnʼt make me feel sleepy though.

Sumandal si Britanny sa inuupuan niya pagkatapos niyang buksan ang radyo, at ako naman ay naka-focus lang sa pagmamaneho. Kahit na bahagyang nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak nang mahigpit sa manibela ay sinubukan ko pa ring magmaneho nang maayos.

Pareho lang din kaming nakinig nang tahimik.

"Tonight is April 18, 2020, at nagkataon na sakto ang segment natin ngayong gabi sa pagbabalik-tanaw ng isa sa mga taong naging parte ng aming entertainment company noon..."

Nang marinig ko ang linyang ʼyan ay bahagya akong na-distract, dahilan para bahagyang naging hati ang atensyon ko sa pagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko alam kung napansin ba ni Britanny ang ikinikilos ko, pero mas pinakinggan ko na lang rin muna ang sinasabi ng DJ.

"Ever since she was seven years old, she became a member of our family here at Muttering Trees Entertainment. This girl's voice was also interesting—it makes you feel the goosebumps and the chills down your spine.

"Her soft gloomy voice might tell you some tales, all along with her eyes full of darkness and her heart that has been already eaten by the void... But unfortunately, she suddenly disappeared. Leaving nothing but her first and last single—and oh my, it was one of the deepest, saddest, and most emotional songs I have ever heard!

"Tonightʼs featured artist was our former entertainer and singer of Muttering Trees Entertainment, Louisa Green, or much known as her codename 'Frankie'. At sa pagbibigay-respeto mula sa ikalimang anibersaryo ng pagkawala niya at pagbabalik-tanaw na rin sa kanya, buong puso kong ibinabahagi ang nag-iisang kanta na iniwan niya para sa ating lahat ngayong gabi—"

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon