✰ Chapitre Trente-Deux: You and Me, on the Astral Plane

12 3 4
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Open your eyes, and look at us now
We're both on this place called the astral plane
Away from our miserable world
Away from everyone and everything else.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapter Trente-Deux:
YOU AND ME, ON THE ASTRAL PLANE

—Wesley

"Frankie, nandidito siya! Nandidito si Wesley!"

"Papaanong..."

"Oh my gosh! Rainbow—"

"Sandali!"

"B-bakit naman? Si Wesley 'to!"

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil sa boses ng isang babae na naririnig ko na para bang kinakausap niya ang sarili niyang tinig.

Hindi ko rin alam ang eksaktong lugar kung nasaan ako ngayon, pero base sa nakikita ng nanlalabo kong mga mata ay napalilibutan ako ngayon ng isang malawak na karagatan ng mala-pilak na ulap.

"We aren't sure yet, Lys. Baka astral creature lang siya na nagpapanggap—"

"But I can strongly feel that it is Wesley's astral body! Can't you feel it?"

Habang nagkakaroon ako ng mas malinaw na kamalayan sa paligid ko ay ngayon ko lang napagtanto na dalawang boses pala ng babae ang naririnig ko simula pa kanina.

Sinubukan ko pang mas idilat ang mga mata ko, hanggang sa naging malinaw ang paningin ko.

"U-ugh... Ano bang nangyayari—puta!" Bigla akong napasigaw nang makaupo ako sa puwesto ko—sa mga ulap na tila naging sahig na rito sa astral plane. Papaano naman kasi, dalawang babae na magkamukha ang nakikita ko sa mga oras na 'to.

"Please, Wesley, just calm down—"

"Calm down, Louisa? Papaano ako kakalma kung pagkagising ko, dalawang kayo ang nakikita ko ngayon?!" pagtatanong ko na may halong panic kay Louisa.

O si Louisa nga ba talaga 'yon?

Hindi ako sigurado kung sino ba sa kanila ang totoong Louisa, pero kitang-kita ko ang malaking pinagkaiba nilang dalawa sa isa't isa. Ang kausap ko lang ngayon ay may mahaba at kulay itim na buhok, at may suot ring siyang kulay emerald green empire dress na sumasayad na sa lapag ang laylayan. Ang isa naman sa kanila ay may maiksi at kulay brown na buhok, at may suot naman siyang isang white shirt dress.

"Uh, Wesley, she's not Louisa. But I am..." Napatingin naman ako doon sa isang babae na may maikling buhok nang bigla siyang nagsalita. Nalito ako sa sinabi niya, pero hinayaan ko na rin muna siyang ipagpatuloy ang pagsasalita. "Meet Frankie. Siya 'yong nakukwento ko minsan sa'yo dati na imaginary friend ko—na in reality, she's actually my twin sister."

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon