▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
I saw your light in my dreams
While you're telling me something
"Find the Emerald Star's gem
Before the bad creatures used it for wrongdoings..."▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Ving-Deux:
THE EMERALD STARʼS GEM—Wesley
"W-Wesley... C-Can you h-hear me?"
Bigla akong napadilat nang marinig ko ang isang malumanay na boses na galing sa isang babae—na sobrang pamilya sa akin.
Pagkadilat ay nakita ko ang sarili kong lumulutang na sa kalagitnaan ng isang kalawakan—kung nandyan nga ba talaga ako ngayon. May nakikita akong mga dark and light green clouds na nakapaligid sa akin, gayon rin ang hindi mabilang na mga bituing nagsisikislapan.
"Wesley... I n-need y-you... to l-listen to me..." Hinahanap ko kung kanino nanggaling ang boses na 'yan, ngunit kahit na anong gawin akong lingon sa buong paligid ay hindi ko siya makita.
Habang hinahanap pa rin kung nasaan nanggagaling ang boses na 'yon ay bigla ko na lang din siyang natawag sa pangalan na—
"L-Louisa? Ikaw ba 'yan?" pagtatanong ko naman gamit ng malakas na boses.
"H-Hindi ako si L-Lys..." tugon niya. "Pero m-makinig ka nang mabuti... sa mga sasabihin ko..."
Bigla akong napalingon sa kaliwang gilid ko nang may nagliwanag na isang berdeng bituin. At sa tingin ko ay ang Emerald Star 'yon.
Nagsalita ulit ang boses.
"Kailangan mong hanapin..."
"A-Ang alin?"
"Hanapin... ang n-nawalang necklace..."
"Necklace?"
Napansin ko na dahan-dahang dumidilim ang buong paligid habang may sinasabi pa ang babaeng kaboses ni Louisa. Unti-unting nawawala ang mga gas clouds at nawawalan na rin ng liwanag ang mga bituin. Pero kahit na nagkakaganyan na ay sinubukan ko pa ring mag-focus sa boses, nagbabakasakali na baka sobrang importante ng winiwika niya sa akin ngayon.
"Hanapin... necklace ni Louisa... sa White Forest... matalo... Creature from the Void..."
Nagpuputol na rin ang boses niya kaya ayan lang ang halos naintindihan ko. Bago tuluyang dumilim ang buong paligid ay napatingin naman ako sa Emerald Star na unti-unti namang nagniningning nang sobrang liwanag.
BINABASA MO ANG
Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓
Fantasy★ COMPLETE • UNEDITED ★ In this book, you will see the journey of Wesley Vernon. All along with a girl who named herself "Frankie" because she couldnʼt remember who she was and what happened to her, both decided to search for the answers to their co...