✰ Chapitre Sept: When the Night is Finally Over?

57 12 5
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

You reminded me of someone else
Well, she was my only love
Who suddenly vanished in the sun
And never tell me where to go.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Sept:
WHEN THE NIGHT IS FINALLY OVER?

—Wesley

BREAKING NEWS!

Nasunog ang isang sikat na fortune telling place sa Frozen Pines, ang Madamme MBʼs Psychic Readings nitong gabi lamang. At hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy kung ano nga ba ang naging sanhi ng sunog.

Habang nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad sa lugar ay may nakita sila doon na pinaniniwalaang abo ng katawan ni Mara Bella, o mas kilala sa tawag na Madamme MB. Mayroon silang teorya na kung siya nga ba iyon ay sinunog na muna siya bago ang buong building na kung nasaan siya.

Hanggang ngayon ay iniimbestiga pa rin ng mga awtoridad ang kung ano man ang punoʼt dulo ng sunog sa nasabing lugar...

Halos natulala ako nang mapanood ang balita sa nag-iisang TV na mayroon dito sa diner na kung saan muna kami nag-stopover ni Frankie. Magkatapat rin kaming nakaupo sa isang gilid, kumakain ng in-order naming burger.

"A-Ayan ʼyong pinuntahan natin kanina, diba—"

"Shhh!" Bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kanya at pinatahimik. "Huwag kang masyadong maingay tungkol dyan."

"Bakit naman?"

Natigilan ako. Napabugtong-hininga muna ako bago sabihin sa kanya ang dahilan ko.

"Naalala mo pa ba ang lahat ng mga nasabi ni Madamme MB, lalo na doon sa mga salita at pangalan niyang sinambit sa atin?" tanong ko kanya. Tumango naman siya.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"May nasabi siyang The World Enders at Lester. At ayoko mang mag-overthink pero pakiramdam ko, makikita pa natin sila. In the near future."

Ayokong sabihin nang direkta kay Frankie na malaki ang posibilidad na sinusundan pa rin kami nina Lester hanggang ngayon. Ayokong matakot siya nang sobra, lalo na't binastos siya ni Lester habang nasa cocktail bar kaming dalawa noong nakaraang gabi.

Pareho kaming tumahimik. Ipinagpatuloy na ulit kainin ni Frankie ang burger niya habang ako naman ay ibinalik ko ang atensyon sa panonood ng TV. Malakas ang kutob ko na kung si Madamme MB nga ang abo na nakita ng mga awtoridad doon, malaki ang posibilidad na ginawa iyon nina Lester sa kanya at siya rin ang nagpasunog ng buong lugar na 'yon. Wonder why? Itʼs because I suddenly remember some words that Madamme MB said to us. Especially the word: death.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon