✰ Chapitre Seize: Double Departure

14 5 0
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

In the blink of an eye
She suddenly turned into ash
And then my whole surroundings
Became all pitched black.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Seize:
DOUBLE DEPARTURE

—Wesley

Iniwan ako ni Dean na sobrang naguguluhan dahil sa lahat ng bagay na pinagsasasabi niya sa akin. Hanggang ngayon kasi ay pinoproseso ko pa ang lahat nang 'yon. At hindi ko rin alam... Para bang nasisiraan na ako ng ulo rito.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Putangina, bakit ginawa ʼyon ni lolo?! Ano ba ang totoong intensyon niyaʼt ginawa niya ʼyon?!

Nang pinarinig sa akin ni Dean ang record—damn, ibang-iba siya doon sa Lolo Thaddeus na nakilalaʼt nakasama ko noon sa bahay namin dati. At ʼyung kay dad? Well, I donʼt know what to think. ʼYong kada gabing umaalis siya sa bahay, ang huli niyang mga sinabi sa akin na ililigtas niya ang mundo katulad ni Avery sa komiks ng The World Enders... lahat ba ng mga ʼyon ay ginagawa niya dahil siya nga talaga si Avery? Ang gang leader ng TWE?

Sa katunayan ay hindi rin ko alam ang mararamdaman ngayon. Siguro ay pagkamuhi, dahil halos lahat ng sinabi ni lolo doon sa record ay totoo at nangyari nga. Para bang may kapangyarihan siyang makita ang future, or ang mas nakakatawa ay nag-time travel siya mula sa panahon niya papunta rito sa panahon namin ngayon. At pagkagulat rin, dahil isang gang leader pala si dad—ng The World Enders pa.

Napahiga na lang ako sa sementadong sahig at tumulala sa sementado ring kisame. Hinayaan ko na munang lumipad ang isip ko habang unti-unti akong nabibingi dahil sa sobrang tahimik rito sa kwarto na kung saan nakagapos pa rin ako. Maraming mga bagay ang natuklasan ko ngayon, at sa sobrang dami nʼon ay para bang sa sabog na ang utak ko.

▬ • ★ • ▬

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nalaman ko na lang na nagkaganʼon ako nang maalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko. Ingay ʼyon ng metal door na unti-unting bumubukas.

Kinusot ko ang mga mata ko at may nakita akong dalawang lalaki na nakasuot ng leather jacket. Kung titingnan mo, siga at maangas silang dalawa. Ang isa sa kanila ay may hawak na isang shotgun. Kinuha niya ang papel na nilukot, ginawang bola, at itinapon ko papalayo sa akin kanina. Ang isa naman sa kanila ay pagalit na sinigawan ako.

"Hoy! Gumising at bumangon ka na!" sigaw niya malapit sa tenga ko. Lutang at mabagal ko siyang sinunod, dahilan para suntukin niya ako nang malakas sa pisngi.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon