▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Vingt-Neuf:
THE BATTLE IN COSMOS (PART FOUR)—Wesley
"Hoy! Huwag kang kumalaban ng mas mahinang nilalang kaysa sayo! Ako ang kalabanin mo, putangina mo!"
Nanggigigil ako sa sobrang galit nang maisigaw ko 'yan kay Dean Farrar, o mas kilala na ngayon sa totoo niyang katauhan bilang si Temho-Noxandra—the Creature from the Void—na nananatili pa ring lumulutang sa ere. Kitang-kita ko rin sa kanyang mga mata ang bahagyang pagkagulat nang makita niya akong buhay at humihinga pa rito sa Yellowstones Amphitheater. Habang ako naman ay mahigpit nang nakahawak sa pana at palasong ibinigay ni Britanny sa akin gamit ng isa sa mga spells niya.
Tinitigan rin muna ng itim na mga mata ni Dean si Orlando, na hanggang ngayon ay lumulutang pa rin sa ere, bago niya siya hinayaang bumagsak sa sahig. Sa lakas rin ng pagkakabagsak ni Lando ay nahimatay agad siya.
"Magkikita pa pala ulit tayo ngayon dito, Wesley Vernon." Para bang may diin ang mga salita 'yon ng Creature from the Void nang ibinalik niya ang kanyang tuon sa akin. "At may mga kasama ka pa talaga ngayon!"
Napakatindi ng init na nararamdaman ko ngayon kahit sobrang lakas ng hangin dito sa amphitheater. Siguro ay dahil 'to sa kumukulo kong dugo para sa pesteng Creature from the Void na 'yon. I know he is stronger than us, but I still don't lose my anticipation that we can defeat him—especially since I have our powerful weapon against that monster.
"Sa pagitan lamang nating dalawa ang laban na ito!" giit ko sa kanya. "Huwag kang gagalaw ng mga inosenteng tao!"
Ngumisi ang Creature from the Void dahil sa sinabi ko.
"Sa tingin mo ba talaga, susundin ko 'yang inuutos mo sa akin? Inutil! Nasa akin na ngayon ang bagong Vide Noir, kaya ako na ang pinakamakapangyarihang nilalang ngayon dito sa mundo niyo!"
Pagkabitaw niya ng mga salitang 'yan ay mabilis niyang iniangat ang mga kamay niya. At sa pagtaas ng kanyang mga kamay ay natanggal ang mga takip ng Vide Noir vials. Agad ring lumutang sa ere ang lahat ng itim na likidong nasa loob ng mga vials na 'yon, hanggang sa magkaroon ng malaking globo ng likido na sa bandang taas na naming dalawa ni Britanny.
Pagkatapos niyan ay marahas na ikinumpas ng halimaw na 'yon kayang mga kamay para kontrolin ang malaking itim na globo, at papuntahin ang bawat patak na mayroon doon sa globo sa loob ng lalamunan ng mga audience na nandidito ngayon sa amphitheater. Lahat ng mga taong nakatanggap ng likidong 'yon papasok sa kanilang mga lalamunan ay nahimatay sa sahig. Ngunit pagkaraan lang ng ilang segundo ay bumangon rin sila na ibang-iba na ang itsura nila.
Black eyes, visible black veins in various parts of their body, acting like zombies and under the control of the Creature from the Void—ayan ang ilan sa mga napansin ko sa mga taong tuluyan nang na-black-brained dahil sa ginawa putanginang 'yon sa kanila. Kahit na marami-rami naman kami na nandoon sa loob ng amphitheater para gamutin ang mga taong kinokontrol ng Creature from the Void gamit ang revamped version namin ng Cosmic Ash, kitang-kita ko na hindi pa rin iyon magiging sapat dahil buhay pa rin ang halimaw na 'yon at habang patagal nang patagal ay mas lumalakas pa siya.
BINABASA MO ANG
Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓
Fantasi★ COMPLETE • UNEDITED ★ In this book, you will see the journey of Wesley Vernon. All along with a girl who named herself "Frankie" because she couldnʼt remember who she was and what happened to her, both decided to search for the answers to their co...