▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
I'm going back to that campsite
Just to meet that woman for the second time
Who saved me and my fallen starlight
From the bad ones—way back a few days ago.▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Vingt en Un:
AT CLAIRA'S CAMPSITE—Wesley
Pagkatapos ng halos limang oras na biyahe ay nagising ako mula sa mahinang pagyugyog ni Britanny sa kanang braso ko.
"Nandidito na tayo, sleepyhead," mahinang sabi ni Britanny. Napakusot naman ako sa mga mata kong bahagya pang naluluha't napapasara.
Makupad akong lumabas doon sa kotse, at lumapit ako sa kung saan man nakatayo ngayon sina dad at Britanny. Nasa gilid silang dalawa ng maliliit na mga pine trees at nakikipag-usap na rin sila ngayon kay Claira.
Habang papalapit naman ako sa kanila ay napansin kong nanginig si dad mula sa kinatatayuan niya pagkatapos makipag-shake hands kay Claira. Tumabi ako kay dad—na may sinabi rin siya kay Claira.
"Medyo kakaiba ang aura mo sa akin," wika ni dad, habang tinitingnan si Claira mula ulo hanggang paa.
"Hmmm... Papaano namang kakaiba, Avery?" nagtatakang pagtatanong ni Claira.
"Parang kilala kita na hindi naman? Ay ewan ko ba... Basta—punyeta!" yamot na singhal ni dad, na bahagyang ikinatawa ni Claira. Si Britanny naman ay tahimik na ngumingiti sa gilid.
Pagkatapos n'on igla namang napatingin sa akin si Claira.
"Oh Wesley, kasama ka pala nila?" pagtatanong niya na ikinatango ko naman.
Pagkatango ko ay napaakbay naman si dad sa akin. "Alam mong kilala mo na 'tong si Wesley. Pero madalas siyang tawagin—especially these days—as Emery."
Napansin ko naman na may tinitingnan pa siya mula sa likod ko. Parang may hinahanap na kung sino.
"Si Frankie? Nasaan na ʼyung girlfriend mo—"
"Uh letʼs not talk about that right now, shall we?" biglaang pagsingit ni Britanny sa pagtatanong ni Claira sa akin. "Wesley was still in a breakdown, and I know that he still can't talk about it until now. But, if he's giving me consent, I will tell you all I know."
Matipid naman akong nginitian ni Britanny pagkatapos niyang sabihin ʼyan kay Claira.
"Can I?" pagtatanong niya. Tumango na lang ako.
"Bahala ka sa gusto mong gawin," wala sa mood na tugon ko.
Nauna na akong naglakad papunta doon pinaka-campsite nina Claira. Hindi ko ba alam kung ano bang gustong ipakita na gilas nitong si Britanny sa akin, pero magpapasalamat na lang din ako at nagboluntayo siya para ipaliwanag kay Claira ang mga nangyari. Wala pa rin kasi talaga akong lakas ng loob upang ako na mismo ang magsabi—well, inaalala ko pa nga lang ang mga alaala noon ay bigla na akong kinakapos ng hininga, na dahil 'yan sa halong depresyon at pagkabalisa.
Pagkarating sa may campsite ay mahahalata mong maingay nang bahagya doon. Lahat rin kasi ng mga babaeng nandodoon ay may mga ginagawa. Ang iba sa kanila ay nag-aayos ng mga armas, at ang karamihan naman ay nag-eensayo para lumaban sa isang malaking field.
Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko nang mas nabaling pa ang atensyon ko sa kung ano-ano ang ginagamit na mga armas ng mga nag-eensayo sa 'di kalayuan. Karamihan sa mga armas nila ay pre-modern combat weapons—katulad ng mga one-handed at two-handed swords, fist weapons, at flying knives and blades.
Naisip ko rin na agad na ang pamamaraan ng paglalaban nila ay hand-to-hand fighting. May kaunti na kong alam sa ganyan, at dahil na rin sa tinuturuan na ako ni dad ng self-defense simula noong bata pa lang ako.
Habang pinapanood ang ilang mga babae na nag-eensayo ay may bigla na lang nagbigay sa akin ng isang white-painted longbow, at quiver na may laman ng mga arrows na wala namang matutulis na arrow tips sa dulo.
"Tingnan nga natin kung natatandaan mo pa ang ilan sa mga tinuro ko dati," nakangising sambit ni dad sa akin, na may hawak namang isang espadang kahoy. "Kapag natamaan or nagasgasan mo ako, may isang sako ka ng Chubbies cereal sa akin!"
Bahagya akong natawa nang sabihin ni dad nang malakas ang huli niyang sinabi sa akin. Medyo nakakahiya, but I suddenly crave for those cereals—and I don't fucking know why.
"P-Pero teka muna, dad. Hindi ba pwedeng kausapin na muna natin si Claira—?"
"Sinabihan ko na sila. Tsaka na tayo mag-usap-usap," biglang pagsingin ni dad sa sinasabi ko. "Sa ngayon, I want you to show me your current skills we need to improve."
Naghanap kami ng espasyong dalawa ni dad, at sa hindi ko ba maipaliwanag na dahilan ay dali-dali ko siyang pinaulanan ng mga palaso. Nang ginawa ko 'yan ay mabilis naman siyang nakakailag at ginagamit ang hawak niyang espada bilang panangga sa mga arrows na hindi niya kayang ilagan.
Sinubukan ko ang aking makakaya na patamaan siya ng mga arrows, at hinihingal naman ako habang ginagawa 'yan dahil sa sobrang liksi niya. Pagkaraan ng halos tatlong minuto ay napahinto ako.
Dahil natamaan ko siya sa kaliwang tagiliran niya.
Kumaripas ako ng takbo papalapit kay dad at nakita kong bumaon ang palaso sa kanya. Bahagya naman akong nataranta.
"Ssshhh, Wesley. I got this shite..." mahinahong sambit sa akin ni dad nang mapansin niya ang nagpa-panic kong mukha. Hinawakan niya ang arrow at biglang hinila 'yon papaalis muna sa pagkakabaon n'on sa tagiliran niya.
Bahagya siyang napaungol nang hilahin niya 'yon, at hindi naman ako makapagsalita nang wala man lang dugo ang umagos papalabas doon sa kung saan man siya natamaan ng palaso.
"Sabi ko sayo eh!" Pagmamayabang ni dad. Nanatili naman akong nakatitig doon sa tagiliran niya. Papaanong...
Bigla namang nakaramdam ang reflexes ko na may tatama sa akin na kung anong bagay mula sa likuran ko, kaya bigla rin akong yumuko para makailag sa pagpalo ni dad sa akin gamit ang kahoy niyang espada.
Nakakagulat lang at mas bumuti ang fighting reflexes ko ngayon. At dahil dyan ay bigla na lang dumaloy ang adrenaline sa buong katawan ko, at inuudyok ako nʼon na patamain pa ng maraming arrows si dad...
BINABASA MO ANG
Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓
Fantasy★ COMPLETE • UNEDITED ★ In this book, you will see the journey of Wesley Vernon. All along with a girl who named herself "Frankie" because she couldnʼt remember who she was and what happened to her, both decided to search for the answers to their co...