✰ Chapitre Cinq: An Ancient Name (Part Two)

77 14 13
                                    

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

I scream and shout
So that you hear my voice there above
Please light up for the sake of us
And answer all of our questions right now.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Cinq:
AN ANCIENT NAME (PART TWO)

April 10, 2020.

Wesley

Halos isang araw nang walang malay si Frankie.

Hapon na ngayon at nakaupo lang ako sa gilid ng katawan niya na nakahiga sa isang kama. Tahimik ko lang din siyang binabantayan at pinagmamasdan dito sa tent na kung saan muna nila kami pinatuloy pansamantala.

Ang amo ng mukha niya, kahit na naaagnas at may malaking sugat pa rin sa kaliwang pisngi niya. Hindi rin halata sa kaniya ngayon na kaya niyang makasakit ng tao, na para bang sinasabihan ng isang demonyo.

Sa totoo lang, iniisip ko pa rin na kung siya nga ba ʼtong si Frankie. Pero naiisip ko rin na hindi. Bukod sa magkaibang-magkaiba silang dalawa, imposible naman na ang ex-girlfriend ko ay lumutang at nagliliwanag katulad ng araw sa tanghaling tapat. It is so impossible that my ex is a supernatural creature or whatsoever.

Fuck. My head is spinning again.

Bigla ko rin naisip na nasa Frozen Pines nga pala ako ngayon. Lugar na kung saan napakarami daw "kababalaghan" at "hindi maipaliwanag" ang mga nangyayari sa lugar na ʼto.

Dahil nasa Frozen Pines na rin ako, baka nandito rin ang mga kasagutan sa mga tanong namin ni Frankie. Well, weird kung papaano at saan kami unang nagkita na dalawa. Medyo may sense naman ʼtong sinasabi ko, right? Pero saang lupalop naman dito ng Frozen Pines namin hahanapin ang mga sagot sa tanong namin kung dito nga-

"Wesley?" May isang babae na biglang sumilip mula sa labas nitong tent na kung nasaan kami ngayon ni Frankie at tinawag ang pangalan ko.

"Hmmm?" Bigla naman akong napalingon sa kanya.

"Pwede ba kitang makausap, kahit sandali lang?" pagtatanong niya sa akin. Napatingin muna ako kay Frankie na napakahimbing pa ng tulog hanggang ngayon bago sumagot.

"Pwede naman." Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at sinundan siya. Iyon pala ang unang beses ba nakausap ko ang babaeng 'yon, simula n'ong gabing hinahabol kami ng grupo ni Lester. Ang pangalan niya ay Claira, base sa pagpapakilala niya sa akin noong gabi ring ʼyon.

Nakasunod lang ako kay Claira habang papunta kami sa kung saan man. Pagkalabas ng tent ay makakakita ka pa ng ibang mga tent na nakatayo. Lahat ng tent ay kulay black. Nagsikalat rin ang mga babaeng nandidito sa campsite. Well, campsite ang nasabi ko dahil iyon ang malapit na pwede kong i-describe sa lugar na ʼto. Ang iba sa kanila ay inaayos ang mga tent, nag-uusap, nagkakantahan sa isang tabi, at kung ano-ano pa.

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon