★ EPILOGUE ★

20 3 16
                                    

▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬

Welcome back to the home of amazing products in the universe, LH Shopping Network! I am your guide here, Trisha Murphy and we're delighted that you are—

WE ARE INTERRUPTING THIS PROGRAM TO BRING YOU THESE NEWS AND ANNOUNCEMENTS FROM THE MUTTERING TREES CORPORATION CHANNEL. PLEASE STAND BY...

MTC NEWS: Banning of all LHSN's Products and the Closure of its factories

Dahil sa kaguluhang naganap noong April 21, 2020 sa Yellowstones Amphitheater bago pa man magsimula ang product launching ng LH Shopping Network, nagkaroon ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad doon na nagtagal ng ilang araw.

Base sa kanilang pag-iimbestiga, ang mga naturang produkto na ibinibenta ng shopping network ay sobrang delikado sa mga tao at ginagamit rin daw ito para 'makontrol' ang kung sino mang gagamit sa mga 'yon. Ang best-selling product nila na Vide Noir ay itinuturing na ring isang illegal substance ngayon, sa kadahilanang nagtataglay raw ito ng napakaraming kemikal na may 'bad psychological effects' na maaaring ihantong sa pagpanaw ng iinom nito.

Pagkatapos naman ng ilang araw na imbestigasyon ay tuluyan nang ipinasara ng mga awtoridad ang LH Shopping Network at ang lahat ng mga factories nila, kabilang ang pinakamalaki nilang factory na natupok ng apoy noong araw din na nagkaroon ng kaguluhan sa Yellowstones Amphitheater. Ipinatigil na rin ang lahat produksyon at distribusyon ng kanilang mga produkto. Inaasahan naman sa mga susunod na araw at linggo ay ilalabas na ng mga awtoridad ng isang "official banned letter" na kung saan ay ipinapa-ban na ang lahat ng products na gawa ng LHSN, lalo na sa buong bansa ng Isle of Edelidea.

MTC NEWS: The Downfall of LHSN's Former Founder, Dean Farrar

Kasalukuyan nang hawak ng mga awtoridad ang dating founder ng LH Shopping Network si Dean Farrar, kasama ng karamihan sa mga tauhan niya, matapos maganap ang napakalaking kaguluhan doon sa Yellowstones Amphitheater noon April 21, 2020.

Base sa nadagdag na impormasyong nahagilap ng mga awtoridad ay may balak umano ito na 'sakupin ang buong cosmos' gamit ang kanilang mga produkto—lalo na ang sinasabi nilang 'new and improved version' ng ngayon ay isa ng illegal substance na 'Vide Noir.' Nagmula ang impormasyong ito at ang ilan pang bagay na konektado rito sa dating gang leader ng The World Enders na si Avery. Napabalita rin noong 2013 na nadamay ang naturang gang group sa lumaganap na isyu noon—sa pagitan ng grupo nila at ng LH Shopping Network.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon, at ang ilan sa mga detalyeng nahahanap nila ay hindi nila sinasabi sa publiko para daw sa 'kaligtasan ng lahat.' Kasalukuyan namang nakakulong sa pinakatago, secured, at private na lugar si Dean Farrar at ang lahat ng kanyang mga kasabwat. Kasama na rin dito ang isa sa mga apo niyang si Craig Halester Jones—

Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon