Three grooms and i [Tammy] ~ 45

1.4K 14 5
                                    

Mahigpit kong yakap si gaia na patuloy pa rin sa pagwawala. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nya pero nasasaktan akong nakikita syang nagkakaganyan. Karugtong si gaia ng buhay ko at handa kong ibigay ang lahat lahat sa mundo wag lang sya nakikitang nagkakaganyan

Umupo sya sa isang gilid at nangangatog na umiyak. Hinawakan nya ang kanyang ulo at paulitulit itong inumpog sa pader. Inawat ko sya. Si chad naman ay tumakbo palabas upang tumawag ng nurse

,

"Gaia, ano bang nangyayari sayo? " naiiyak kong sabi sa kanya. This is so not gaia. Ang gaia na kilala ko matapang. Hindi basta basta sumusuko

Tumingin sya sa akin at mahinang nagsalita "When everythings over, when it finally sink in. Everything just flashes back. Like a kaleidoscope of memories. Repeating and magnifying every inch of pain. Tammy, you don't know how it feels like, na lahat mahaga sa iyo kinukuha. Ng wala kang kalaban kasi mahina ka. Di ko na alam kung paano pa mabubuhay ng ganito. Miserable. Kasi paulit ulit nilang kinukuha ang mga bagay na mahalaga sa akin. Paulit ulit. Tammy ikaw na lang ang meron ako" tapos ay niyakap nya ako habang umiiyak sya. Tapos ay pumasok sa loob ang mga nurse at isang doctor. Na kung di ako nagkakamali, ay yung doctor na nakausap ko noon bago ako magtungo ng france

Lumapit ang mga nurse para turukan ng pampakalma si gaia. Pero di ako pumayag . Gusto syang makausap ng mas matagal. Feeling ko pag nakatulog muli si gaia di na sya magigising pa . Natatakot ako

Sinenyasan nung doctor yung mga nurse na umalis. Naiwan kaming apat dun sa loob. Nakamasid lang si dctor aldwin sa aming dalawa ni gaia

Nakatulala si gaia sa anak kong si shawn na daladala ni chad. "Tammy, anak mo ba talaga sya? Pwede ko ba syang kargahin? Please? " naiiyak nyang sabi sa akin na para bang

nagmamakaawa. Inabot ko naman sa kanya si shawn na tuwang tuwa na magpakarga kay gaia.Si doctor aldwin ay nakamasid lang at binabantayan ang behavior ni gaia

Habang kinakrga ni gaia si shawn nakangiti syang umiiyak sa harap nito. A mix of painful and sweet emotions

Napasapo to sa bibig nya at napahagulgol ng iyak "kayo na lang ni tammy mahalaga sa buhay ko. Baby shawn, ako ang mommy gaia mo "

Then it freaks me out. She should have blurted tita gaia instead. Pero sabi nya, mommy gaia.

Bakit ganito. Pakiramdam ko, maagawan ako ng anak

Napayakap na lang ako kay çhad. Hindi maganda ang kutob ko dito.

"Tammy , chad, kanina ko pa kayo hinahana~" pumasok si diniel sa kwarto ngunit naputol ang pagsasalita nya ng makita nya si aldwin

"Aldwin, dito lang pala kita makikita, now my nemesis, nasaan sya"

"Wala sya dito diniel, pwede ba lumabas ka dito"

"That's absurd aldwin. Anong wala sya dito? We all knew he owns lilith. Now tell me, nasaan sya?

"Wag ka magiskandalo dito diniel! " at hinila sya ni aldwin palabas. Umiiyak pa rin ako sa tabi ni chad.Malakas ang kutob ko na di maganda ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko man alam kung ano pinagdadaanan ni gaia.Oh yung sekreto nila aldwin at diniel

Isa lang ang alam ko. Handa kong ibigay ang lahat para kay gaia.Athinding hindi ko na kayang mahalin pa, ang lalaking nagdala ng sakit sa buhay nya

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon