Princess Curse~Chapter 1 - My Prince Charming

5.2K 85 22
                                    

Dedicated to Chad Villanueva..

ang lalaking mklaglag obaryo.. chos..

offspring of socialite venice and congressman villanueva..

black sheep..

a rebel..

tamara's dark knight

one of our three male protagonist..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Chapter 1

*My Prince Charming*

[ A/N:] Guys! Yung flashback po ni Ms. Tamara dinivide ko in three parts:

Part 1 - The Princess Curse

Part 2 - Meet the Prince

Part 3 - The Fairytale wedding

Dinivide ko po in three parts para mas clear. Yung Part 1 po dine-describe yung dahilan kung paano na-relate si Tamara dun sa tatlong Prince. Syempre bawat Fairytale nagsisimula sa isang sumpa (E.g. Miliccents Curse to Aurora of Sleeping Beauty, The Witch locks rapunzel to the tower, The Queen offers Snow White a poison apple, etc.) So, uunahin natin yung kontrabida parts. Yung Part 2 about sa kung paano niya nakilala yung Three Prince. At yung Part 3 sa mismong kasal... nililinaw ko lang para po di kayo mainip... Pagka-release po nung Part 2... magre-release po ako ng three separate novels. Three separate Novels. A Novel for Marcus & Tara, A Novel for Hans & Tara, and lastly, A Novel for Chad & Tara. Para po mapakilala natin yung bawat loveteam ng equal. Ginawa ko po yun para mas ma-elaborate. Pwede niyo din pong basahin yung another novels kahit di niyo pa nababasa yung iba. Di po yung sequel nor prequel. Each novel could stand on its own. Maiintindihan niyo po siya kahit di po niyo basahin yung iba but they are all related to each other.

P.S. Comments & Suggestions are all welcome. Salamat po sa inyong lahat. Alay ko po ito sa inyo. All of you inspire me. Thanks. Sana po wag kayo mainis sa akin kasi baguhan pa lang me here sa Wattpad. Kung may mga lapses yung story ko at di ma-justify, sensya na po. Comments & Suggestions na lang po. Thanks ulit.

Eto na po yung Chapter 1. Hope you like it.

[Tara's POV]

Nagsimula ang lahat sa aking munting pangarap. Ang aking mala-fairytale na lovestory, and to have my Happily Ever After. Siguro kung hindi niyo ako kilala, sasabihin niyong napakababaw kong tao at napakakitid ng utak ko para maniwala sa ganoong klaseng kalokohan. Pero ipapaliwanag ko sa inyo kung paano ako nagkaganito.

My name is Tamara Davis. Nag-iisa akong anak ni Rannie Davis kay Melissa Santibanez. Singer ang Mama ko, galing sa isang isang kilalang pamilya pero tinalikuran niyang lahat ng iyon para kay Papa. Noong bata ako hindi ko alam lahat ng iyon. Noong bata ako, lumaki ako na laging nag-aaway sila Mama at Papa. Lumaki  akong naniniwala na ang mga magulang ay dalawang taong mortal na magkaaway na pinagsama ng tadhana para bumuo ng pamilya. Tapos nagsimula akong magbasa ng mga fairytales. Doon ko nagsimulang malaman sa sarili ko na hindi ako magiging katulad ng mga magulang ko. Na hindi ako magiging katulad nila na isinusumpa ang isa't-isa. Tapos nalaman ko kung ano ang nakaraan nila Mama at Papa. Kung paano nila kamahal ang isa't-isa noon. Tapos nakita ko kung paano iyon unti-unting nawala habang lumalaki ako. Simula noon, ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko ang tunay na pag-ibig gaya nung sa mga fairytales. At kapag nakita ko iyon, hinding-hindi ko iyon hahayaang mawala, gaya ng pagkawala ng pag-ibig nila Mama at Papa sa isa't-isa.

Lumaki ako sa mahirap na pamumuhay. At kahit galing sa mayamang pamilya ang aking ina, tinalikuran niya naman ito. At kahit na hirap na hirap na siya, hindi na siya humingi ng tulong dito. Sa squatters area ako lumaki. HIkahos ang buhay. Nagsimulang magkasakit ang aking Mama kaya nung Highschool ako, pumasok ako bilang katulong sa bahay ng mga Chua. Yung mga chua ang nagpaaral sa akin nung Highschool at ngayon sa College.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon