Three Grooms and I ~ 73

396 14 7
                                    

Three grooms and I 73

Magpapaliwanag daw. Eh di magpaliwanag.

"Naalala mo ba ng unang dumating dito si Jema?" tanong pa nya sa akin. Napaisip naman ako. Oo yung akala ng lahat ay si Jema ay si yumi. Nagkagulo pa nga eh.

"Hinigit ko sya dahil akala ko, sya si Yumi." Sagot ni Chad.

"Tapos?" tanong ko pa.

"Nung hinigit ko sya, nalaman kong hindi pala sya si Yumi. Tapos simula noon lagi na syang lapit ng lapit sa akin."

Ganoon, hinila lang lapit na ng lapit. Grabe ah.

"Naging close kami. Kahit hindi ako nagpapakita ng interes, kwento sya ng kwento. Pati ng mga lihim nya."

Pumamewang ako. Harot naman pala. "Eh ano namang konek nun sa pagyakap nya sa iyo kanina?"

"Eh, may problema kasi sya, kaya ayun , ng makita nya ako, bigla syang yumakap at nagsabi ng problema."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapataas ang boses.

"Eh ang harot naman pala nya, may problema lang yayakap yakap pa!" sabi ko pa. nakakainis kasi.

"Selos ang Tammy ko!" sabi nya pa sa akin.

"Hindi nga! Labas!" sigaw ko pa tapos tinulak ko sya papalabas ng kwarto ko.

Talaga yun Jema na iyon. Napaka.

*************************

Nakahiga ako sa kama. May nagtext. Tinignan ko iyon.

[From Chad panget]

Galit ka pa din?

Kinuha ko yung phone at mabilis na nagtype.

[To Chad]

Saksak mo sa baga mo yung Jema na iyon.

Bwisit. Magsama sila.

Maya maya naman ay nagring ulit yung phone ko. Agad ko iyong sinagot ng hindi tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Bahala ka sa buhay mo, isaksak mo sa baga mo~"

"Tammy, tulungan mo ako." Sabi ng isang mahinahong beses. Hindi pala si Chad. Nasigawan ko pa. Tinignan ko naman yung number, hindi registered.

"S-sino ito?"

"Tammy, si Tonet to."

Ha? Ano naman ang maitutulong ko sa kanya? Sinaktan na naman ba sya ni Hans? Akala ko ba hindi na sya bumalik sa mansyon.

"Tulungan mo akong mabawi si Shana."

Ha? Anong? Teka, wala na akong dapat pakialam dyan. Si Shana lang ang dahilan kung bakit ko sya tinulungan noon. Hindi na pwede. Pag ininvolve ko na naman sa kanila ang sarili ko, masasaktan na naman ako. Ayoko na ng magulang buhay. Minsan ko lang tinulungan? Abusada naman.

"Sorry Antoinette pero hindi kita matutulungan. Ang ginawa ko noon ay para kay Shana. Hindi para sa iyo o kay Hans. Sorry pero I'll hang up."

Sabi ko pa tapos binabaan ko sya ng tawag. Tama ng yung boyfriend kong maloko at yung anak ko na lang pinoproblema ko. As for Gaia, hindi naman natin mapipilit ang lahat ng tao na maalala tayo. Let's just wait for time na maalala nya ako.

************

[Authors note: sabaw ang update. Sorry. Wala rin kasing nagcocomment eh. Yung mga silent readers ehem. Magcomment kayo. Kung may nagcomment eh di sana mas mahaba ito. Hahaha]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon