Three Grooms and I~ Chapter 56

324 9 1
                                    

dedicated sayo: AYiiie! Hello. Matagal kong hindi naupdatean ang tgi. at sa lahat ng ngaabang ng update ng Tgi. magpasalamat kayo sa kanya. oo sa kanya. Reader sya ng TGI sa ibang website. pero hindi na yun naupdatean dun. inantay nya at hinanap ang tgi. at sobra akong natouch dahil my nagbabasa ng tgi. lab ko na sya. yung ego ko na nasira. na feeling ko wala akong kwentang writer. kahit papaano nabuo nya yun hihi. thanks talaga. its official. ill update tgi once a week. every saturday or sunday.

**

First Day of School.

Again.

I was walking in the corridor of the university with Chad. Nakayuko lang ako , trying to cover my face with my hair. NAtatakot na baka may makakilala sa akin at sabihan ako ng masasakit na salita.

Pero sa tinagal tagal ng lakad namin, walang nakakilala sa akin. Yung mga kabatch namin noon, mukhang di na ako kilala. Yung iba naman, nginingitian lang ako pero wala namang sinasabing kung ano. Tapos karamihan ng mga pagalagala dito, freshmen na kaya di na ako kilala.

 

“Tammy!” bigla akong napatigil ng may narinig akong pamilyar na boses. Boses ni Alexa. Kasama nya si Ivy at si Gaia.

 

“Alexa! Ivy... Gaia” sambit ko na lang sa mga pangalan nila. Tapos ay lumapit sila sa akin. Gaia, she acted different. Not looking at me in the eyes.

 

“You came back to school Tammy, thats good. And you too Chad” said Ivy, “ang saya naman, makapagbobonding tayo ngayon” exclaimed Ivy.

 

“Kamusta naman ang sched nyo? Patingin nga” –Alexa

 

“oh etong sched namin. Saksak mo sa baga mo, tsismosa ka talaga.” Pangiinis pa ni Chad kay Alexa.

Umangil lang si Alexa kay Chad at tinignan yung schedule “Oy classmate nyo pala si Gaia.” Sabi ni Alexa. Kinalabit nya si Gaia at pinakita dito yung sched. Para namang walang kaintei nteres si Gaia.

 

“Ah okay,” Gaia said then looked away.

 

“Teka, nakita nyo ba si Bading? Saka yung stepsister nitong famewhore” sabi ni Chad na ang tinutukoy ay si Marcus at Yumi.

Napatingin ako sa paligid, hindi ko pa kayang harapin yung dalawa.

 

“wala sila dito, sabi ni Yumi, may recording daw si Marcus at sasama sya.” Sagot naman ni Gaia na para bang wala sa sarili habang sinasabi yun.

“May sapak na talaga tong isang to” narinig kong sambit ni Chad. Hindi naman kumibo si Gaia.

Dahil mamaya pa naman ang mga klase  namin , niyaya muna kami ni Ivy na magpunta muna kami sa cafeteria. Nagpunta kami sa cafeteria. Nakita namin sina Antoinette at Jema na papalakad pasalubong sa amin.

Natatakot ako, natatakot ako na baka kasama nila si Hans at pag nakita ko sya, masasaktan na naman ako.

Bigla namang humarang sa amin si Ivy.

 

“Parang ayoko ng magcafeteria. Sa library na lang tayo pumunta” –Ivy

Napatingin ako kay Gaia na biglang natigilan , “Akala ko ba hindi papasok si Yumi?” smbit nya pa habang nakatingin kay Jema. “Hoy Yumi..”

 

“Sinong Yumi tinatawag mo dyan? Hay nako matulog ka na nga lang ulit.” – Chad

 

“Mayumi!” tawag ni Gaia kay Jema na napalingon sa amin.

Si Ivy naman ay panay ang hila kay Gaia “Sabing sa library na lang tayo eh!”

 

“Teh! Sabog lang teh. Ikaw na nagsabing wala si Yumi eh. Hindi si Yumi yan.” Paliwanag pa ni Alexa. “Si JEma yan classmate namin. Kamukha lang talaga yan ni Yumi, pero hindi yan si Yumi.”

 

Natigilan si Gaia, then mumbles “Kit.” Tapos ay sinundan nya si Jema na patuloy ang paglalakad kasama ni Tonet. Napatigil lang sya ng makita kung sino ang sumalubong ke Jema at Tonet sa dulo ng hall. Ako din ay napatigil.

Si Hans.

****

Wala namang ginawa sa klase. Briefing lang tapos introduction. Si Chad at Gaia ang mga classmate ko. Nakaupo si Gaia malapit sa akin.

She acts weird mula ng magising sya. Pero mas weird sya ngayon.

Pagkatapos ng klase ay lumabas kami. Si Gaia dumiretso papalabas ng room pagkadismiss ng teacher.

When we were walking out, may isang babaeng lumapit sa akin.

“Tammy”

 

“yes?” I looked at her. Tinitignan ko syang mabuti. She’s a new face to me. “ahm, do i know you?” I asked her.

 

“No.” she answered. “But someone asked me to give this to you.” Then she handed me a letter.

 

“Ah, thank you. Pero kaninong~” bago ko pa maitanong ay umalis a yung babae.

Bubuksan ko na san yung sulat ng biglang dumungaw si Chad.

“Wala to. Leche. Tsismoso!”

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon