"gaia naman. Andito ako para kunin si baby shawn" paliwanag ko habang dinadampot ang mga prutas na bigla nyang ikinalat
Dala ko ang mga gamit ni Shawn. ang sabi kasi ni doc aldwin. Gayong tuwang tuwa si gaia sa anak kong si shawn, makakabuting lagi kong dalhin sa kanya si shawn. Mabuting Theraphy yun. Para maging maayos na sya. Para maalala na nya ako. Dinala ko kaninang umaga si baby shawn tapos ay umalis ako. Maggagabi na kaya kukunin ko na
"hindi mo sya kukunin!" pagsigaw nya pa. nagtungo sya sa crib kung nasaan si baby shawn at kinarga nya ito na para bang ayaw pakawalan.
napalingon sa kanya sila alexa na naroon din sa kwarto ni gaia sa ospital. Ewan ko kay alexa kung dumadalaw ba eto o nakikikain lang
"gaia naman" mahina kong sabi tas lumapit ako
"ano ba! sabing di mo sya kukunin eh! sino ka ba! pinapakelaman mo ko. kinukuha mo baby ko!" paghyhysterical nitong sabi na hinawakang mahigpit si shawn para umiyak ito.
nahihirapan ako pag ganito sya. ang hirap nyang pakisamahan. pero kaylangan ko syang unawain. bestfriend ko sya. mahalaga sya. isa sya sa buhay ko
"s-sige hindi ko sya kukunin, pero please. nasasaktan si shawn. huwag mong higpitan ang hawak sa kanya" ng marealize naman nya ay napaupo sya. sinenyasan ko si alexa na kunin si baby shawn. tapos inalalayan ko paupo si gaia at pinainom muna ng gamot
si shawn naman ay iyak pa din ng iyak
"baby prawn! sanggol na hipon! wag na ikaw iyak" pagaalo pa dito ni alexa. nagpapakyut sya at nagmamake ng funny faces para tumahan si shawn pero iyak pa din ito ng iyak
"ikaw baby kulot! kulot salot wag na iyak!" nung sinabi yun ni alexa. tumigil si shawn na para bang naiintindihan ang sinasabi nito "hindi naman kulot salot mama mo! si marcus din! kanino ka ba mana ng pagiging kulot salot mo! saka bat may dimple ka ha kulot!" nung sinabi yun ni alexa ay napaisip ako
kanino nga ba
"ay may dumating pang kulopt salot! invited ka ba?"
"bakit sa iyo ba tong ospital? dadalaw lang aba"
napatigil ako ng marinig na may kausap si alexa. dumating pala si Chad. Si chad pala yung tinawag nyang kulot
"pinapaioyak mo si shawn eh. akin na nga" sabi nito tapos kinalong si shawn
napatigil ako ng makita ko sila. mas napansin ko ito ngayon
"nagsama mga kulot salot! ayy. parehas kayo kulot oh! saka yung dimplkes pati yung mata! pag titigan pala sa malapitan magkamukha kayo! oy tammy. umamin ka. di kaya si chad ang ama?" [agtanong ni alexa
"eww." pangaasar na sagot ni chad. ako naman ay nakatigil lang. kahit isang feature walang nakuha si shawn kay hans. ngunit kamukhang kamukha nga nya si chad.
pero bakit?
BINABASA MO ANG
Three Grooms and I
RomancePangarap ni Tamara na ikasal sa isang ultimate prince charming at gaya ng sa mga fairy tales magkaroon ng Happily ever after. Pero isa lang. Di nya naman lubos akalaing magkakaroon sya ng hindi lang isa, dalawa, kundi tatlong chance at happily ever...