Three grooms and i 68

116 7 0
                                    

“Late na tayo Tammy, tara na!” tawag pa ni Chad. Dali dali akong bumaba mula sa taas dala ang mga gamit ko, inabot ko ang sandwich na hawak ni Chad at sinubo iyon sa bibig ko habang tumatakbo papalabas ng bahay ni Diniel.

“Walanghyang babaeng to! Dumiretso lang ng labas nalimutan ikiss ang baby Shawn nya,” sabi pa ni chad na katabi lang yung yaya ni Shawn na karga si Shawn, “di bale, si Dada mo na lang kikiss sa iyo.”

Dali dali akong tumakbo pabalik ng bahay at mabilis kiniss si Shawn at hinila papalabas si Chad. Si Chad naman ay tumatawa ng nakasakay na kami sa sasakyan.

“Aba bakit ka tumatawa?” tanong ko pa. siraulo to.

“Ang haggard mo kasing tignan , ang aga pa,” tapos ay hinawi nya ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Natigilan ako ng makita kong nakatitig sya ng ganoon sa akin.

“Ano ba, pakialam mo ba sa itsura ko?” pero kahit ganoon ay inaayos nya pa rin ako.

“Kasi lahat ng bagay na pagmamayari ko, magagandang tignan, mana sa akin.” Sabi nya pa

**********

Natapos ang klase namin. As usual, indifferent pa rin si Gaia. Nakarating sa mga professor yung ginawang pagtapon ni Ivy sa mga sponsored paintings at yung catfight nila ni Gaia. Napatawag sila, at ang ending suspended ng 2 linggo si Ivy at kaylangan nyang magcommunity service. Kay Gaia naman, community Service lang ang parusa.

Naglalakad kami ni Chad sa lobby ng bigla naming nakasalubong si Tonette at Hans.

Nasa kabilang dulo pa lang ng lobby si Hans ng maaninag ko sya. Bigla akong kinabahan. Ito ang ayokong mangyari. Bigla akong nanigas at napahinto sa paglalakad. Kaya ko na bang harapin sya?

Nagulat na lang ako ng biglang hinawakan ni Chad ng mahigpit ang kamay ko at nagsimulang maglakad kasama ako.

Hindi ko alam pero ng hawakan ni Chad ang kamay ko, nawala lahat ng sakit, galit, takot at pangamba na naramdaman ko ng makita ko si Hans. Dahil ba andito na si Chad? Dahil ba pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama sya? Matapang nga ba ako ngayon dahil may masasandalan na ako?

Papalapit kami ng papalapit kay Hans. At ng halos magkasalubong na kami ay bigla akong inakbayan ni Chad. Napatingin ako sa kanya. Bakit ganoon? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit mas mahalaga sa akin  yung fact na nakaakbay sa akin si Chad kaysa yun fact na nakita kong mula si Chad.

At nung mga sandaling iyon. Nilagpasan namin si Hans. Yun ang mga sandaling tuluyan ko na syang tinalikuran at na parte na lang sya ng nakaraan ko.

Ayoko ng maalala lahat ng gulo. Wala na akong pakialam sa mga lihim nilang lahat. Gusto ko lamang. Maging masaya.

Magiging masaya ako.

[Two months later]

Nagluluto ako ng almusal ng biglang may yumakap sa akin. Ay peste talaga. Parang linta.

“Saglit nga nagluluto ako,” nakangiti kong sabi sa kanya. Nilingon ko sya ng saglit, ngumiti lang sya.

“Ano ba? Nagluluto ako, pasuin kita nito eh.” Sabi ko pa pero hindi sya umalis sa pagkakayakap sa akin. Mas lalo nya pang hinigpitan.

“Umayos ka ah, ang aga aga ang gulo mo!” sabi ko pa habang patuloy na niluluto yung fried rice. Tapos bigla bigla na lang umiyak si Shawn.

“Ano ba! Bumitaw ka nga, puntahan mo si Shawn duon padedehin mo!” mabilis bumitaw sa pagkakayakap nya sa akin si Chad at pinuntahan si Shawn na umiiyak. Kinarga nya si Shawn at pinilit patahanin.

“Ano ba! Magtimpla kang gatas duon, padedehin mo duon.”

“Oo na mommy! Lakas mangutos ah!” sigaw pa ni Chad sa akin. Hindi pa rin talaga nagbabago ang mokong na to.

“Bakit? May angal ka?” natatawa kong sabi habang hinahain ang niluto ko sa may hapagkainan, “tawagin mo na si Diniel duon, ang bagal mo! Grabe ha bilisan mo bago pa maginit ulo ko.” Natatawa ko pang dugtong.

“wala po. Pasalamat ka girlfriend kita kasi kung hindi, hay naku!” sabi pa ni Chad habang wala syang ibang magawa kundi sunding ang utos ko.

Oo girlfriend nya ako. At eto ako, sinusubukang maging masaya sa bagong kabanata ng buhay namin ni Shawn.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon