Three grooms and i 69

128 6 0
                                    

Three grooms and i 69

“Oh ano na naman problema nyong dalawa?” tanong ni Diniel.

“Si Chad kasi kukupad kupad kumilos,” sabi ko pa na nakangiti habang hinahain yung pagkain. Bumaba si Diniel at sabay ng kumain sa amin.

Tahimik kaming kumain, maliban na lang kay Chad at Shawn. Nakikihalong pilit kasi si Shawn sa pagkain eh.

“May pasok ba kayong dalawa ngayon?”

“oo mamaya.” Sagot ko pa.

“May tumawag kasi kahapon dito eh” sabi ni Diniel ng nakangisi.

“Sino? Tanong pa ni Chad.

“Ex mo daw sya Chad eh.”Sagot pa ni Diniel.

Tinitigan ko naman ng masama si Chad at kinutusan ng malakas.

*****************

Papasok ako ng Classroom ng marinig ko na naguusap sina ALexa at Ivy. Nilagpasan ko lang sila. Hindi naman ata nila napansin na dumaan ako eh.

“Nakakamiss na kasama si Tammy, hindi na sya humahangout kasama natin,” sabi pa ni Alexa. Namimiss din kita Alexa kung alam mo lang.

“Simula ng maging sila ni Chad, kinalimutan nya na tayo.” Sagot naman ni Ivy.

“Grabe ka naman teh,” kontra pa sa kanya ni Alexa.

“At anong grabe duon? Alam nating lahat kung gano nya kagusto si Chad kahit noon pa, kaya ayan ng may tsansa syang patulan ni Chad gumora na at kinalimutan na tayo. Kinalimutan nya ang mga kaibigan, ako, ikaw at si Marcus. Ano pa bang ieexpect ko? Eh kahit si Gaia na bestfriend nya kinalimutan na nya? Masaya na sya sa buhay nya. Masaya na sya at wala na syang paki sa aten kahit impyerno pa maging buhay natin.”

“naku teh, dinamay mo pa ko, impyerno lang ang buhay mo, yung akin eh hindi.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan ko si Ivy.

“Hindi ko ginustong kalimutan kayo. Kaibigan kita Ivy, kayong lahat. Pero gusto ko rin namang sumaya. At nung gabing nalaman ko kung anong ginawa mo sa talampas na iyon? Hindi ko na kayang maging kaibigan ka pa. at ano yung sinasabi mong kinalimutan ko si Gaia? Kaya ko to ginagawa para sa kanya. Kaya ko ito ginagawa dahil di ko kayang makipagkaibigan sa sumira ng buhay nya. At isa pa, I’m so done with all of this. Kalimutan nyo ng lahat ang nakaraan. Maging masaya ka na lang.” sabi ko pa kay Ivy bago sya iwan. At naiwang namumutla duon si Ivy lalo pa’t nalaman nyang may iba pang nakakaalam ng lihim nya.

Nakangiti akong umalis duon at proud na proud sa sarili. Tama na ang Tammy na hindi makalimot sa nakaraan. Maging masaya na lang ako sa piling ni Chad.

***********

Nagising ako ng may kumakatok sa kwarto ko. Inaantok pa ako, nakakainis naman ito.

“Sino yan? Ang aga aga pa!”

“Tammy, ako to, ang Knight in shining armor mo!” natatawang sabi ni Chad na nasa labas ng kwarto ko. Knight in shining armor daw? Ang badoy ah! Overload sa kabaduyan.

Madali akong tumayo at binuksan ang pintuan. Tapos ay pumasok si Chad at humalik sa noo ko.

Sa twing ginagawa nya iyon, pakiramdam ko, nagwawala yung mga butterflies sa stomach ko. Hahaha. At ang gaan gaan sa pakiramdam. Sobra.

Ngayon tuloy naiisip ko, paano ba kami nauwi ni Chad sa ganito? Ah oo. Nung malaman ko na sya yung admirer ko. Ilang beses kong tinangkang tanungin sa kanya kung bakit nya ako gusto, o kung bakit sya naging admirer. Pero lagi nya lang iniiwasan yung tanong. Hindi sya nagtapat ng diretsyo. Basta lang , lagi syang natabi ko at nakaalalay. Hinding hindi sya umalis. At sa bawat araw na dumadaan, mas nahuhulog ako sa kanya. Hanggang sa araw na bigla na lang nya snabi kay Diniel na kami na daw. Yung seryoso? Hindi ko alam di ba? Pero nung narinig kong sinabi nya ang mga katagang iyon, sobrang saya ko. Sa sobrang saya ko, hindi ko na nagawang tumutol pa, at naging masaya na lang ako na maging girlfriend ng pinakabipolar na tao sa buong mundo.

“Bakit ba ang aga mong mambulabog ah?” tanong ko pa sa kanya sabay yakap sa kanya. Ngumiti lang sya.

“Bakit masama ba?” tapos ay tumawa sya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Ibang iba ito sa Chad na kilala ko.

“Gusto kong mamasyal tayo nila Shawn, saka binili ko pala sa mall ito kagabi nalimutan kong ipakita sa iyo kasi tulog ka na daw paguwi ko.”

Tapos ay inabot nya sa akin ang isang bag. Paper bag. Tinignan ko iyon at nakita kong may couple shirts duon at may isa pang kaparehas na damit para kay Shawn.

Napangiti ako at yumakap uli sa kanya. Quota lang sa yakap? Hahaha. Masaya kasi ako. Hindi ba halata. Ayoko ng maalala kahit na anong bahagi ng nakaraan ko na naguugnay kay Hans, Ivy o Yumi. Si Jema? Bahala na rin sya sa buhay nya kung gusto nyang awayin si Yumi. Wala na akong pakialam. Gusto ko na lang burahin. Sa ngayon siguro, wala ng bagay pa ang makakapagpabalik sa akin sa landas nila.

Wala nga ba? O meron pa?

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon