Princess Curse~Chapter 8 - Ang Deal ni Hans

3.1K 38 8
                                    

dedicated sa king maknae na currently in a relationship kay hans dylan regalla..

ansabbee ng hair mo teh..

abot hanggang korea.. hahah

Chapter 8
*Ang Deal ni Hans* 

[Tara's POV]

After ng insidenteng nangyari doon sa mansion.. as in mansion ni Hans.. Pinilit kong kalimutan iyon. Kalimutan na natin si Hans, ang katotohanan na ama na siya at si Shana....

Lahat ng iyon...

Kakalimutan ko na....

Labas na ako sa problema nilang iyon.

Sa ngayon, kailangan ko lang isipin kung paano ko mapapatunayan na wala akong kinalaman sa nangyari kay Gaia.

At kailangan kong malaman kung sino ang nagkalat ng scandal na iyon.

Hay, buhay! Ayoko na!

Feeling ko, lahat ng taong nakakasalubong ko, napanood na iyong scandal ko. Pakiramdam ko lahat ng taong nakakakita sa akin ay pinagbubulungan ako kapag nakatalikod ako.

They look at me as if... as if I'm a slut, a bitch, a pokpok, a prosti, lahat na... malandi, boldstar, kalapating mababa ang lipad...

Bakit napaka-judgemental ng mga tao?

It was just a video of a girl, stripping and...
And kissing someone torridly.

Pero kahit na...

Yun lang naman ang ginagawa ko sa video...

Feeling nila, sex scandal na!

 Ni hindi ko nga maalala iyon.

Nagmahal lang naman ako.

Nagmahal lang naman ako kay Chad. Pero kung tingnan nila ako... 

Para bang ang landi-landi ko na...

"Tamara"

Narinig kong may tumawag sa akin. Oo nga pala, nandito ako sa school namin ngayon, naglalakad sa may corridor. Ba't ba kasi dito ako nagda-daydream?

Paglingon ko, si Hans, tumatakbong papalapit sa akin. Eto na nasa harap ko na siya. At papalapit na papalapit na papalapit na siya... sa akin... hanggang...

Hanggang sa sobrang lapit na niya at napasandal na ako sa pader at ang distansiya ng mukha niya sa akin ay 1 inch na lang ang pagitan....

"Tamara, Can we talk?" 

Ay naku, Hans! Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo ngayon? Halos magkapalit na nga mga mukha natin sa sobrang lapit mo sa akin eh... Ganyan ka ba talaga makipag-usap?

"Ah.... Eh....." Dyusko.. speechless ako sa'yo.. naiilang, naaasiwa at nako-conscious na rin.. Konting galaw lang ng nguso ko, madidikit na d'yan sa nguso mo...

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon