Three grooms and I ~ 66

108 10 0
                                    

Three Grooms – 66

Pagpasok na pagpasok ko ng school, ayun nga may naghahanap nga sa akin. May student na nagbigay sa akin ng sulat. Yung sulat pinapapunta ako sa rooftop.

                Inalis ko muna sa isipan ko s Gaia, at muli akong nagpunta sa rooftop na iyon. Panahon na siguro para alisin ko lahat ng iniisip ko. Alam ko na ang lihim nila Ivy, Yumi, Gaia at Hans. Dapat malaman ko na rin kung sino ang admirer na iyon ng matapos na ang lahat ng ito.

****

Nandito ako sa rooftop . Inaantay kung sino man ang taong iyon. Sa kabila ng lahat ng napagdaanan ko, katangahan, paghihirap, nasaktan din ako. Doon ko napagisip isip na dapat tigilan ko na ito. Dapat kalimutan ko na ang nakaraan. Kung hindi ko iyon kayang ilet go, dapat matuto man lang akong lumaban. Matutong maging matapang. Maging masaya. Para sa aming dalawa ni Shawn.

Ilang minuto na ako duon pero wala pa ding tao. Masyado na akong naiinip. Gusto ko ng umalis.

Nagulat na lang ako ng may biglang tumakip sa mga mata ko. Marahil eto na sya.

Kinakabahan ako pero pinilit kong magsalita.

“Sino ka? B-bakit mo ako gusto? A-at. “ nagdalawang isip akong sabihin iyon, pero naalala ko yung sinabi nya na maaring sya yung ama ni Shawn, “a-ano ang relasyon mo kay baby Shawn?”

“Seryoso mo naman!” sagot pa nya. Teka pamilyar yung boses na iyon. Boses iyon ni..

“Ano bang pinagsasabi mo dyan Tammy..” at bumitaw sya sa pagkakatakip sa mga mata ko.

At paglingon ko, nakita ko si Chad.

Sya kaya? Sya kaya ang admirer ko?

“Anong ginagawa mo dito?” mahina kong sagot. Pinilit kong kumalma at hinaan ang boses ko. Dahil isipin ko pa lang na sya ang admirer ko,

Nakakaoverwhelm.

Hindi sya mapakali na para bang may iniisip. Nagiisip ng sagot. “Ah eh, sinundan kasi kita, kung saan saan ka kasi nagpupunta eh.”

Ah. Sinundan nya lang pala ako. Hindi sya ang admirer ko. Hay. Ano ba itong iniisip ko. Grabe. At talagang inisip ko na sya ang admirer ko.

Ang tanga ko para isipin iyon, kasi imposible. Imposible talaga. Si Chad na masungit, na lagi akong binabara, na lagi akong inaasar. Si Chad na minsan mabait sa akin pero kadalasan salot. Si Chad na nagustuhan ko noon, at ngayon kahit peste sya madalas, komportable ako sa kanya. Isa pa, kahit maloko iyon, tunay syang kaibigan. Sya yung taong hindi ka iiwan sa ere at hindi ka pababayaan.

“Bakit? May inaantay ka ba?” tanong pa nya.

“ah wala, pumasyal lang ako, nagpapahangin lang. bababa na rin naman ako eh.” Sagot ko pa sa kanya tapos ay nagsimula ng maglakad papaalis.

Kapag sinabi ko kay Chad na nagaantay ako dun sa admirer, na may admirer ako, tiyak kong aasarin ako nuon. Lalo na kapag nalaman nyang napagkamalan ko syang admirer ko.

Pababa na ako sa hagdanan ng biglang nagsalita si Chad.

“Akala ko pa naman, inaantay mo yung admirer mo.”

Patay! Anak ng tokneneng! Paanong nalaman ni Chad yun? Nanigas ako sa kinatatayuan ko ko at hindi nagawang lingunin man lang o sagutin sya. Mas lalo akong naestatwa sa sunod nyang sinabi.

“Akala ko pa naman inaantay mo ako.”

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon