Meet the Prince~Chapter 13 - The Contract

2.9K 36 5
                                    

A/N: ito ay dedicated s pinakamagandang babae s balat ng puno ng mangga..

haha.. sa aking bestfriend na si joy na walang sawang magtype ng three grooms and i..

bale sya din yung editor ko.. haha.. sosyal..

tayo pong magpasalamat s kanya..

good job sisterette.. thanks ng madami.. pagpalain k nawa.. more boys to come pra sayo..

hehehe

Chapter 13

*The Contract*

[Tara's POV]

Dejavu???

Dejavu!!!!

Nakahiga ako, at umiikot ang aking paningin. Everything seems to be blurred. Then, nakita ko may nakapatong sa ibabaw ko.

When everything seems to be blurred, the vision of the man infront of me is so clear, so vivid. Siya si Hans. Hans Dylan Regalla.

 Alam mo bang masaya ako pag and'yan ka...

Nakita kong ngumiti siya at kumindat.

Tapos, wala na akong maalala.

-------------------------End of vision...

Naglalakad ako palabas ng mansiyon ni Hans.

Tapos na...

Tapos na ang unang hakbang para maisakatupad ang aking Oh-So-Brilliant-Evil Plan.

Sa aking kamay, 

hawak ko na ang kontrata...

And on the other hand....

Ah.... uhm.... eh.... yung tseke!

Oo, yung tseke!

Nahiya tuloy akong banggitin yun.

Baka isipin n'yo mukha akong pera.

Napahawak na lang ako sa aking ulo.

Ang sakit-sakit nito...

Dala na rin siguro ng pagkakahimatay ko kanina.

Grabe! Hindi pa rin maalis yung naalala ko kanina.

Parang dejavu!

Ano ba yun? Dejavu or Premonition?

Parang vision eh!

Sa sobrang lakas at bilis ng mga nakita ko, nagawa ko pang mahimatay.

Toot! toot!

May nag-text!

Si HANS...

Uwi ka ng maaga mamaya, hahanapin ka ni Shana!

Oo nga pala, simula ngayon, kela Hans na nga pala ako tutuloy. Ang ulyanin ko talaga! Ba't ba nakalimutan ko yun?

Kailangan naming mapaniwala si Shana na bumalik na nga ang Mama niya at in good terms na rin sila ng Papa niya. 

Kailangan ko ng bilisan. Galing ako ng school bago ako pumunta kela Hans kanina at ngayon maghahapon na, wala na akong klase pero umalis muna ako para kunin ang konting damit ko dun sa mga ninang ko sa palengke. At para ipadala ko na rin sa Western Union yung tseke na paunang bayad sa'kin ni Hans. Ipapadala ko yun kela Mama at Papa para pambili nila ng gamot.

Boom...

Boom...

Boom...

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya pag-uwi ko.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon