Three grooms and I Chapter 49

646 7 5
                                    

in chads embrace, i felt like heaven. para ba akong nanghihina habang yakap nya ako. na ang tanging gusto ko lang gawin ay ang ipikit ang mga mata ko at isandal ang ulo ko sa dibdib nya

'wag kang aalis tammy' mahina nyang bulong na tila nagmamakaawa. 'wag nyo akong iwan ni shawn'

tila nawala yung mahika na nakabalot sa pagkatao ko ng magsalita si chad, nagawa ko syang itulak at kumawala sa mga yakap nya.

'ano?'

"wag kayong umalis" malumanay na sabi ni chad 'dito lang kayo ni shawn"

tila nagpanting ang tenga ko sa kapirasong sinabi ni chad, napakaraming bagay ang tumakbo sa utak ko. buong lakas ko syang itinulak.

'at sino ka para sabihin yan?" sigaw ko habang hinahampas ko ang dib dib niya. "hindi komot nawawala si Tia at yung anak mo, pipilitin mo kami sa tabi mo para paniwalain ang sarili mo na kami yun. akala mo, hindi ko mahahalata ang nasa isip mo chad? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo chad. Hindi kami panakip butas ng anak ko!"

Sigaw ko pa habang hinahampas ko sya. tapos ay naglakad ako para kunin si Shawn, kinarga ko sya habang kinikuha ang maleta namin. 

"at saan naman kayo pupunta tammy? Saan mo dadalhin si shawn? Ikaw tammy, alam ko, kaya mong makisama, makakahanap ka ng matutuluyan kahit saan. Pero si shawn ba? kaya ba nya? wala kayong pera? wala kayong matutuluyan. maawa ka sa anak mo tammy!" pangaral pa sa akin ni chad biglang tumulo ang mga luha ko. wala akong plano. wala akong pera. pabigla bigla ako. ni hindi ko man lang naisip si shawn. 

"ikaw kasi kasalanan mo to!" bigla ko na lang naisigaw habang umiiyak

 . pati si shawn na karga ko umiiyak na din "daig mo pa matandang babae na menopause! para kang pinaglihi sa sama ng loob! ang dami dami ko na ngang problema pero nagagawa mo pa akong asarin! dumagdag ka pa! mabait ka lang pag tulog pero most of the time ay para kang demonyo na nasa balikat ko! pinahihirapan mo ko! inaasar! pinapahiya! sa sobrang di na kita kayang makasama! di ko na tuloy naisip si shawn

lumapit sa akin si diniel "tammy, tama na yan" wika nya habang kinukuha si shawn sa akin "hindi makakabuti sa bata ang ganyang athmosphere, akin na patutulugin ko sya sa taas" pagkarinig noon ay inabot ko si shawn kay diniel. at dalawa na lang kami ni chad na naiwan sa baba

" pwede bang kalimutan mo na ang lahat ng iyon tammy. hindi na kita aasarin/ wag ka na ring magtanong o magisip pa ng kung ano. isipin mo na lang na masasandalan nyo ako ni shawn" sabi pa ni chad, ewan ko ba kung bakit pero kahit ayaw ng isip ko. sa loob loob ko naniniwala ako sa bawat sinasabi ni chad. 

"promise? magiging mabait ka na?" 

tumango si chad at hinawakan nya ang mga pisngi ko. kapag ganito sya. para syang anghel.

napaiyak ako na para bang natatawa "talaga? bakit ngayon ka lang bumait? bwisit ka!"

bigla na lang akong bintukan ng malakas ni chad "hoy tamara! tama na nga yang kadramahan mo! may palayas layas effect ka pang nalalaman dyan! matulog ka na nga!" tapos ay binitbit nya pataas ang maleta ko.. 

menopause talaga

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

7 am. nagising ako dito sa guest room ni diniel. lumingon ako sa paligid. wala si shawn doon sa crib nya. nagpanic ako bigla. paano kung itinakas na sya ni chad? o kaya dinala sya ni diniel kay gaia? yung anak ko

To Be Continued

Authors note:

I am back! palakpakan naman dyan chos.. ive been hiatus for almost half a year at ang huling update ko ng Tgi ay july pa. at dahil dyan ay babawi ako sa inyo. unang una. sisimulan ko ng magupload ng regularly. from now on, ill have 2-3 updates per week. pinakasure na date ng update ay weekends. second gift, ipupublish ko ang three grooms and i by volume. di pa sya tapos pero ipupublish na? eh sa iba ang trip ko eh haha. saka selfpublish po ito. gusto ko lang talaga. ill divide tgi by volume at unedited version po ang book. multiple pov sya at di lang pov ni tammy at may mga special chapters pa kaya may chance kayong amlaman yung mga secrets dun sa book. Target date ng publishing is either april (pinakamaaga) or june (pinakalate) ipupublish ko din yung enchanted. saka may surpresa pa dun sa book. on process na yung ibang bagay like illustrations ;) sa iba pang bagay pakiclick na lang yung external link

saka aayusin ko pala ang tgi. ang gulo na ng chapters eh 

namiss ko kayong lahat. at salamat sa mga walang sawang nagintay saupdate ng tgi. i love you all

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon