Three Grooms and I ~ 63

135 6 0
                                    

Three Grooms and I 63

Suot suot ko ang isang lumang damit pangkasal na marahil props na nakita o dun. Isinuot ko yun dahil bilang isang babae, pinangarap ko ding makasal. Alam kong sa ngayon, halos imposible yun, na hanggang pangarap lang. kaya sinuot ko to, para maexperience ko naman kahit papaano.

Nakatingin lang si Chad sa akin, titig na titig. Hindi nya maalis ang titig nya, nakanganga pa nga sya eh.

Anong problema nito?

“Chad! Uy!”

Nakanganga lang sya dun.

“Hoy Chad!”

Bigla syang natauhan at tumingin sa akin, “hoy Tammy! Bakit mo suot yan?”

“Walang basagan ng trip.” Sagot ko pa.

“Hubarin mo nga iyan! Baka nariyan pa sa damit yung kaluluwa ng huling gumamit nyan!”

Aba nanakot pa ang lintek. Tinanggi kong alisin yung damit. Kami lang naman ang nandun sa theater eh. Naguwian na yung ibang estudyante. Hindi ko hinubad yun at nakadamit pangkasal ako habang nagaayos ng costume at props.

Nakasalampak ako dun sa sahig habang gumagawa ng props. Yung mga mask at head dress.

“Ang konti naman ng glitter, dagdagan mo kaya?” sabi ko pa kay Chad.

“Etong feather ang ilagay mo.” Sabi pa nya.

“Ang baduy naman.” Protesta ko pa.

“Ano ba yan? Puro ka reklamo! Tapusin na natin to! Gabi na kaya.” Sabi pa ni Chad, tinignan ko yung orasan. Magaalas nwebe na. Meron pa namang nagklaklase ng ganitong oras, night class. Pero konti na lang.

“Ay oo nga! Wait, magccr lang ako.” Sabi ko pa tapos ay tumayo ako.

Tinignan ako ng matalim ni Chad. “MagsiCR ka ng ganyan ang itsura mo?” sabay turo sa suot kong gown. Oo nga pala, suot ko yung gown.

“Ahm, oo. Ikaw na nga ang nagsabi na walang masyadong tao ng ganitong oras. Konti na lang. isa pa, dyan lang sa may dulo ng lobby yung CR. Hindi malayo.”

Pagtayo ko ay tumayo din si Chad.

“Samahan kita. Delikado.”

“Ano? Sasamahan mo ako sa C.R.? Manyak!” sagot ko pa. ang weird nito.

“Wag na nga! Bahala ka dyan! Marami pa namang multo dito.” Pananakot pa ni Chad.

Aba , nanakot pa. Hindi multo ang kinakatakot kong makasalubong sa lobby na to.

                My greatest fear is, to walk in this lobby, then Hans is walking to my direction. Kasi eto na, pamove on na ako. Hindi na ako katulad ng dati na lagi ko syang iniisip at napapanaginipan. Pag naalala ko sya, naiiyak ako. Pero after all, yung pagpili nya kay Annie, yung ginawa nya kay Gaia, the pain, it helped me to move on. Pero alam ko na pag nakita ko sya uli, baka tumibok na naman yung puso ko. Pero ayoko na. yun nga lang kasama ko sa bahay si Chad, sakit na sa ulo. Dadagdag pa si Hans.

                Napatigil na lang ako ng may biglang kumalabog. Napatago ako dun sa gilid. Paano kung totoo ngang may multo dito? Sana nagpasama na lang ako kay Chad.

                “Anong drama to Gaia? All  this time, ikaw ang gumagawa ng mga paintings na ito. All this time ikaw ang namblablackmail sa akin!” sigaw ng isang babae. Sobrang lakas ng boses nya, nakakabingi. At ang boses na iyon, pamilyar. Boses ni Ivy.

                “Ano bang pinagsasabi mo Ivy?” sagot ng isang kalmadong boses. Hindi ako pwedeng magkamali pero boses iyon ni Gaia. Sumilip ako ng bahagya. Andun sila sa kwarto kung saan gaganapin yung art exhibit. Silang dalawa lang.

                “i-ikaw, ikaw ang gumagawa ng paintings na..”

                “Dancer ako Ivy, hindi ako pintor,”

                “All this time, ikaw pala ang nambablackmail sa akin!” sigaw pa ni Ivy. Pag nagagalit si Ivy, lumalakas ang boses nya, nawawalan sya ng kontrol at umiiyak sya.

                “Ha? Bakit naman kita ibablackmail Ivy?”

                Tumayo si Ivy at kumuha ng isang painting, tapos ay binagsak nya iyon sa harapan ni Gaia.

                “Wag ka ng magmaang maangan Gaia. Alam mo ang sinasabi ko,” Ivy’s voice became high pitched, “This was the very same painting I received when we were in France. Eto yun! Ikaw! Ikaw ang nambablackmail sa akin Gaia!”

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon