Chapter 51

606 7 5
                                    

Park? Anong gagawin namin sa park? Hindi kaya iligaw kami ni chad doon? Parang pusa lang.

"youll have a picnic" said dra. As she pointed the food in the table. Nakaready na ang lahat ng dadalhin namin. "all is set. All you need to do ay magaayos. And also, chad brought something for the both of you to wear" pagkasabi noon ay biglang umalis si diniel. karga ko si shawn at pinupog ko ng halik ang mukha nya. "lalabas tayo baby hipon! Papasyal oh. Papasyal. Liliguan ka ni mimi. Gusto yon ng hipon ko diba?" pagkasabi noon, ngumiti si shawn, cute talaga ng bebe ko lalo na pag nagiismile. Tapos noon ay pumunta kami ni shawn sa banyo.

Hmmm? Nasaan kaya si sungit? Hay bahala na. Liliguan ko muna si bebe hipon. Kinuha ko yung batya. Yung batya na para sa bata hindi yung panglaba. Kinuha ko yung rubber duckie ni shawn tapos nilagay ko sya sa batya na nakalagay sa labas ng banyo. Bahagyang nakabukas yung banyo. Pagpasok ko nagulat ako sa nakita ko

Si chad. Nakatalikod. Nagshoshower, nakahubad. Bigla kong naibagsak yung sabon na hawak ko.

"anong?" sambit ni chad tapos ay bigla syang humarap sa direksyon ko Susme! Agad kong tinakpan ang mga mata ko. Dyos miyo ano ito. Anak ng. Bakit ka humarap

"tokwa naman tammy binobosohan mo ba ako!" bulalas ni chad. Hindi ako makasalita. Tila umurong yung dila ko. Nakatakip sa mga mata ko ang aking kamay habang nagmamadali akong maglakad papalabas ng banyo.

Tapos.

Bigla akong nadulas. Naapakan ko yung sabon na nailaglag ko kanina.

At agad agad naman akong nasalo ni chad. Ang hubad na si chad.

Waa! Takte bakit mo ako sinalo

Buong lakas ko syang tinulak. Di bale ng madulas uli ako. Tapos tumakbo ako palabas ng banyo.

Hay! Buti na lang wala ako masyadong nakita

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon