Three Grooms and I ~ 67

137 9 0
                                    

Three grooms and I 67

Nakauwi na kami ni Chad sa mansion ni Diniel. Mula kanina sa school, hanggang sa paguwi, hindi kami nagkikibuan.

Awkward na ang lahat mula pa kanina dun sa rooftop. Mula dun sa huli nyang sinabi. Hindi na ako kumibo at hindi na din sya nagsalita.

“Akala ko pa naman inaantay mo ako.”

Ano ba ang ibig sabihin noon? Ilang sandali lang ay nakahinga na ako dahil hindi pala sya yung admirer ko. Tapos bigla syang nagsalita ng ganoon.

Gusto ko mang tanungin sya ngunit natatakot ako. Natatakot ako sa isasagot nya.

“Problema nyong dalawa? Hindi ata kau nagkikibuan?” sabi pa ni Diniel. Napansin nya ata yung awkward athmosphere.

Imbis na sagutin si Diniel, nanahimik lang kaming dalawa. Ang awkward kasi talaga.

“Tammy,” mahinang sabi ni Chad. Lumingon naman ako sa kanya.

“Hmm?”

“yung inaantay mong admirer.”

Wag mong sabihin...

“Ako iyon Tammy.”

**************

“Tamara!Bilisan mo ngang magluto! Gutom na kami ni Shawn!” Sigaw pa ni Chad. Aba siraulo to ah kung makautos wagas. Bakit ba kasi nagleave yung kusinera nila Diniel. Ako tuloy ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

“Makautos ah!”

“Gutom na kaya kami ni Baby Shawn!” sagot pa ni Chad. “Pakibilis gutom na ang anak mo!”

Sinunod ko na lang si Chad at nagluto na. matapos kong maluto iyon ay inihanda ko na iyon kay Chad. Si Chad naman ay inasikaso yung gatas ni Shawn at pinadede na ito. Ako naman ay nakatingin kay Chad habang nakangiti.

Hindi ko alam kung ano ang tawag dito. Kung ano ang tawag sa amin. Kahit nakakagulat ang lahat. Gusto ko na lang sundin ang sinabi ni Chad. Na yung kaligayahan ko naman ang sundin ko.

Katulad pa din ng dati si Chad. Nagpapanggap na wala syang sinabi. Na wala syang kinonfess. Sa ganyan naman sya magaling eh. Magpanggap na walang alam para hindi sya masampal ng kanyang pride. Pride na nagsasabing never ever nya akong magugustuhan.

After naming kumain ay pinatulog ni Chad si baby Shawn. At si Chad.

Nagpatuloy sa pagpapanggap na wala syang alam. Eto sya nakaupo sa tabi ko at pasimpleng umaakbay sa akin. Lumingon ako sa kanya at sya naman ay.

“Inaabot ko lang yung remote noh? Malisyosa ka!”

See? Defensive sya. Sumimple lang ako ng ngiti. Siraulo nga si Chad. Pero aaminin ko, masaya akong ganito. Masaya ako sa simpleng bagay. Walang Annie o Gaia na iniisip. Kahit hindi ko alam kung ano kami ni Chad. Pero masaya ako, masaya ako sa ganito.

“Alam mo ba Tamara, may kumakalat na balita sa school.” Biglang sabi ni Chad.

“Ano na naman iyon?” naisip ko bigla baka naman kumalat na yung tsismis na may admirer ako. Ang assuming ko talaga.

“Yung usap usapan tungkol sa multo,” hindi pa nya tapos yung sasabihin nya ay humagalpak na sya ng tawa, “may multo daw ng babaeng nakawedding gown ang gumagala gala sa campus. Iniwan daw ng groom nya yung Bride, kaya hindi matahimik at gumagala sa campus.”

Tapos ay napatingin ako kay Chad at biglang natawa.

“Ikaw yung multong iyon Tammy! Nung isang gabing umuulan. Siguro may nakakita sa iyo! Kwento pa ni Chad at tawa pa sya ng tawa. Ako rin ay hindi napigilang tumawa. Kaylan ba ako huling tumawa ng ganito? Matagal na. Sa dami ng problema, pero ngayon nagagawa ko ng tumawa. 

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon