Chapter 59

337 10 1
                                    

Three grooms and i

Chapter 59

Mama? May anak na pala si mam Diniel?

“Baby, paano ka nakarating dito? Sino ang kasama mo?” malambing na tanong sa kanya ni Diniel. Pag tinignan mo ng ganyan si Diniel. Napakalambing nya, napakawarm, sa harap ng anak nya.

“Hinatid po ako ni Lola. Miss na miss ko na po kasi ang maganda kong mommy.” Nakangiting sabi ng anak ni Diniel.

Bigla namang sumabat si Chad. “Ikaw bata ka, masama ang nagsisinungaling. Sabi mo  maganda ang mama mo. Unang una, walang maganda dito. Saka hindi maganda yang nanay mo. Suplada yan.” Sabi pa ni Chad.

Gago talaga tong si Chad. Nakikitira na nga lang tayo dito nilalait mo pa yung may ari , pag tayo pinalayas saan tayo titira.

Pero hindi sya pinansin ni Mam Diniel. Nakatuon lang pansin nito sa anak nya, whom she love so much. Nakikita ko yun  sa mga kilos nya.

*******

Nasa kwarto ako ngayon. I am reading Gaia’s Diary again. Sa inasal ni Jema kanina, mas lalo akong nacurious. Her hatred for Ivy and Yumi was too much. Hindi pwedeng wala yung dahilan. And she speaks as if kilalang kilala nya si Ivy. Toight, i want to find something about them. Something that will give me a clue why Jema is behaving that way. Hawak ko ang diary ni Gaia, at nagtimpla pa nga ako ng kape para hindi ako makatulog.

I flip the pages to continue reading. Teka, nasaan na ba ako?

Dear Diary,

                Natapos na ang bagyo. Pinapakita sa Tv yung mga nasalanta. Yung tanghali ring iyon nairescue na si Ivy at Yumi. Silang dalawa lang, hindi nila kasama si Kit. Nahulog daw sa bangin na iyon si Kit. Napakagulo na dito sa bahay. Panay ang pagiyak ni Jessica. Si papa, galit na galit at gagawin ang lahat para mahanap si Kit. Nahulog ito sa cliff sa tabi ng dagat at may search and rescue operations na doon. Kahit ako, hindi ko mapipigilan ang pagiyak at pagaalala para kay Kit. Kamusta kaya sya? Sana nasa maayos syang kondisyon. Sana bumalik sya sa amin ng buhay. Pero alam mo kung ano ang nakakapagtaka? Si Ivy at si Yumi. Sila ang kasama ni Kit sa cliff na iyon. Pero kahit ni isang patak na luha wala akong nakita sa kanila. Si Ivy, hindi nya ako kayang tignan ng diretso.Si Yumi, wala akong makitang pagaalala takot o sakit sa mga mata nya. Maghapon lang syang nakakakulong sa kwarto. Ganoon din si Ivy. Parang may sikreto silang tinatago. Sikretong handa nilang ibaon hanggang hukay.

 

 

Gaia.

Dear Diary,

                Ilang araw din ang lumipas. Hindi natagpuan si Kit. Napakagulo dito sa bahay. Isipin ko pa lang na kaylanman hindi ko na makikita si Kit, napakasakit. Si Jessica tila wala sa sarili nya. Kahit si papa din. Pakiramdam ko lalong lumala ang sakit ko dahil sa sitwasyon sa bahay. Si Yumi, ayun. Balik sa normal. Nakuha pang sumali ng singing contest.

Gaia

Dear Diary,

                Kanina, galing kami sa lugar kung saan nawala si Kit. Buwan na ang lumipas pero hindi sya natagpuan. Sabi nila, mas makakabuti daw na isipin na lang namin napatay na sya. Nagtungo kami sa cliff, Dala ni Jessica ang larawan ni Kit habang nagdadasal ang pari para sa ikakatahimik ng kaluluwa nito. Naghulog kami ng puting rosas duon sa dagat. Hindi ko napigilan ang umiyak. Wala na ba talagang pagasa na bumalik sya? Wala na ba talaga? Una, si Mama, tapos si Kir. Si Kit na tanging kakampi ko. Na pamilya ko. Sa kalagitnaan noon, bigla na lang humagulgol ng iyak si Ivy. Si yumi, hindi umitak at buong araw na nagrereklamo sya na gusto na daw nyang umuwi. Magrereview pa daw sya. Bato ba talaga ang puso nya?

Gaia.

                Sa nabasa ko, nawala na talaga ng tuluyan yung Kit at hindi na nakita. Ivy and Yumi keeps their silence and acts as if nothing happened. Nawala yung kapatid ni Yumi , pero wala lang sa kanya. Ako nga, ng macomma si Gaia, labis akong nasaktan gayong bff ko lang si Gaia. And how Ivy behaved, para bang guilty sya sa kung ano man.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon