Chapter 52

638 10 3
                                    

Ipinatong ni chad yung paper bag dun sa kama. Tapos na syang maligo. Ako din. Napaliguan ko na din si shawn. Kinuha ko yung paper bag. Hindi ko pa rin sya magawang tignan sa mata dahil dun sa nangyari kanina.

"hindi ka makatingin sa akin pero kanina sarap na sarap kang mamboso" bigla na lang nasabi ni chad. Agad kong inabot yung unan at binato sa kanya

"siraulo!" sigaw ko pa tapos tawa ng tawa si chad.

"tumigil ka nga!" sigaw ko pa. Asar na asar na ako.

Buti na lang tumigil na sya kakatawa.

Kinuha nya yung bag at nilabas yung damit. Naglabas sya ng damit para kay shawn na agad ko namang dinampot.

"wow ang ganda naman nito! Gwapong gwapo ang bebe ko dito oh!" sabi ko habang pinapakita kay shawn yung damit. May kinuha pang isang damit si shawn. Hinagis sa akin at sumapol pa sa mukha ko.

"anak ng.." napatigil ako ng makita yung damit. Isa syang floral dress at napakaganda nito.

"para sa akin ba ito?"

"hindi.. Hindi.. Para sa akin yan. Bading ako eh" sarkastikong sagot ni chad "malamang para sa iyo yan" dugtong pa nya.

Napangiti ako, napakaganda nung damit. Gustong gusto ko sya. "salamat talaga" tila bumabait na si chad tulad ng pangako nya.

"iniisip ko na lang na nagdonate ako ng damit sa pulubi" Anak ng... Bwisit ka talaga chad! Hindi ko na lang sya pinansin. Kinuha ko yung paper bag at tinignan yung ibang laman nito. Maliban sa damit namin ni shawn, may sapatos pa para sa akin tapos ibang baby stuffs para kay shawn at isang notebook

"i bought that stuffs for you yesterday. Sa pagsundo ko sa inyo kela gaia, naiwan ko yan sa pagmamadali ko. Kinuha ko yan kaninang umaga" paliwanag pa ni chad

Ah kaya pala, pero ano itong notebook. Inangat ko yung notebook

"pero ano ito?"

Tinignan iyon ni chad na para bang sinisipat tapos napakunot noo sya

"wala akong biniling notebook, baka kay gaia yan napalagay lang dun sa bag" "ako na lang magsosoli sa kanya"

atleast magkakaroon ako ng excuse na makita si gaia. Tumalikod ako at patagong binuklat yung notebook

Gaia' diary

==========================================================

"tammy ano ba! Bilisan mo!" sigaw ni chad habang (as usual) buhat ko yun sandamukal na picnic baskets na parang kargador. Habang si chad, buhat nya si shawn.

"oo na!" sagot ko. Sabi na nga ba aalilain nya lang ako sa picnic na to eh. Ilang minuto pa, inaayos na namin ni chad yung picnic mat

. "ako, ikaw, si shawn . It would be happier kung madami tayo" sabi ko pa habang nilalatag yung mat. Binatukan naman ako ni chad

. "sinong gusto mong isama dito? Mga lalaki mo?"

"di ba sabi mo di mo na ako aasarin?"

"may sinabi ba ako?" As usual, para na naman kaming aso at pusa ni chad. Inayos namin yung mat, tapos yung mga pagkain. Si chad nakikipaglaro kay shawn na tawa ng tawa.

Tuwang tuwa ang bebe ko na nasa labas sya Si chad naman ay panay ang asikaso sa amin. Ang bipolar talaga nito. Bumait na naman sya.

Pag ganito sya sumasaya ako. Kahit sariwa pa ang mga sugat na dala ni chad dito sa puso ko. Andito si chad upang makaramay ko. Matapos naming magpicnic ay namasyal kami sa park. Bumili si chad ng cotton candy.

Si shawn naman ay tuwang tuwa habang sinusundot yung cotton candy.

"oh baby, ganda ng ulap oh. Matamis na ulap" sabi ko pa habang sinusubuan ko ng cotton candy si shawn.

"dahan dahan lang baka mabulunan na naman yang anak mo tia" napahinto si chad ng marealize nya na ibang pangalan ang binabanggit nya

"im sorry tammy" dugtong pa nya "i-its okay. I understand" nginitian ko sya para hindi sya mailang

"its not your fault, maybe you just missed her a lot or. We really just look alike" dugtong ko pa as i pat his shoulder.

But deep inside me, may parteng sumisigaw na hindi ako panakip butas. "yeah, you really look like her" he said then shooks off his head

"lets not talk about her anymore teka, may ibibigay pala ako sayo" Umupo kami ni chad sa isang bench. Karga ko si shawn. Kay kinuha si chad na papel at pinakita sa akin

"ano ito" tapos ay binuklat ko yung papel at nanlaki ang mga mata ko.. handa na ba akong harapin sila?

Authors note; Please do join the facebook group. click external link

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon