"Shall we?" Nasa tapat na ng pinto si Reid at kanina niya pa ako hinihintay. Nakakahiya naman at medyo natagalan ako sa pagaayos ko.
"S-sorry." Napayuko ako sandali. Pero hindi ko inasahan na tatawanan niya ang paghingi ko ng tawad sa kaniya.
"Huh? Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Napailing ito at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Ikaw! Bakit ka ba kasi nagso-sorry? May nagawa kang kasalanan?" Ngiti naman ito ng ngiti.
"Eh matagal ka naghintay. Kaya ako nagso-sorry."
"Nope. Hindi naman matagal yun. Take your time. Basta ba sakin ka lang nagpapaganda, okay na okay sa akin. Let's go!"
"Ingat kayong dalawa ah!" Pareho na kaming nagpaalam kay Mama at Papa.
"Ingat kayo sa daan ah. Balitaan niyo kami agad."
Ngayon kami pupunta sa Maynila. Wala pa man kami doon pero hidni ko na talaga maintindihan ang pakiramdam ko. Parang akong mahihilo na hindi ko alam.
Nung nasa loob na kami ng kotse ay nakatingin lang ako sa bintana. Hindi na nga ako mapakali eh. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Paano kung hindi ako matanggap? Edi paniguradong madi-disappoint ang magulang ko.
"I know you can do it. Fighting!" Napatingin ako kay Reid at saglit niyang hinawakan ang kamay ko dahil nga nagdadrive siya.
"Sa tingin mo ba makakapasa ako sa interview ngayon?" Tinanong ko siya. Agad siyang ngumiti habang nakatingin sa daan.
"Oo naman! Bakit hindi? Alam ko namang magaling ka at matagal mo na 'tong gusto. Kaya think positive lang ah?" Napatango na lang ako at bumuntong hininga.
May tiwala naman ako sa sarili ko, kaya lang ayaw kong ipagsigawan na makakapasa ako ngayon o matatanggap. Dahil alam ko sa sarili ko na marami pang mas magaling sa akin. Oo sabihin man ni Reid na magaling ako at kaya ko, pero syempre hindi mawawala ang mga taong mas may kakayahan pa kaysa sa akin. Yun lang naman talaga ang ikinakabahala ko.
"Anomg ginagawa natin dito?" Napasilip ako sa bintana at nakita ko na nasa drive thru kami ng isang fast food chain.
"Kumain muna tayo para mabawasan iyang kaba na nararamdaman mo."
Siya na ang pinapili ko ng makakain namin. Kahit ano naman ay kinakain ko. Pero yung kaba na nararamdaman ko ay lalong lumalala dahil papalapit na kami ng papalapit sa interview.
Nag park muna si Reid para daw makakain kami ng maayos. Nagpatugtog din siya sa loob ng sasakyan para daw hindi ako mabored sa loob.
"Cari, stop overthinking. It won't help you. Isipin mo na lang na para ito sa pamilya mo. Just do your best, okay?" Kanina pa ako kinakausap ni Reid pero sadyang blangko lang talaga ang isip ko kaya yan lang ang pumasok sa isip ko na sinabi niya.
Tama siya. Kailangan ko lang isipin sila Mama at Papa. Wag akong magpapadala sa kaba at huwag ako masyado magisip. Kaya lang nakakatakot pa rin talaga. May tao na kaya doon? Nagsimula na kaya sila?
Nagmadali na si Reid na kumain dahil siya na lang naman ang hinihintay ko. Parang babae kasi ito kung kumilos. Sa totoo lang, kung marunong lang akong magdrive. Aba! Kanina ko pa sana ito ginawa. Kaya lang hindi ako marunong eh.
"Good afternoon! I'm Nico, isa rin sana sa mga naghahangad na maging anchor." Agad kaming nilapitan ng isang lalaki kung saan bihis na bihis ito at napakapresentable niyang tignan.
"Bakit parang wala masyadong tao?" Tanong ni Reid at napansin ko rin nga iyon.
"Ahh. Kasi nga na-move daw siya bukas ng 8:30am." Mapait itong ngumiti at halatang hindi siya masaya.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...