"Cari, anong gusto mo?"
Nasa mall kami ngayon para manood ng sine. Inaya lang ako ng dalawa, dapat date nila ito pero sabi nila isama na lang daw nila ako para raw hindi ako mabored kung sa bahay lang ako magi-stay ngayong day off namin.
Eh parang mas nabored naman ako dito ngayong kasama ko 'tong dalawa. Paano ako ang nagsisilbing third wheel sa dalawa. Sana hindi na lang ako sumama pero wala naman akong magagawa dahil ipagpupumilit pa rin nila na samahan ko sila. Tumatango lang ako sa mga gusto nilang gawin.
"Kung ano yung inyo, ganoon na lang din ang akin." Hinintay ko na lang sila dito sa entrance ng sinehan. Nagpresinta naman sila na silang dalawa na lang ang bibili ng pagkain namin.
Romance ang genre ng movie na papanoorin namin, yun ang napili ni Aliana eh. Syempre wala naman kaming magagawa ni Nico. Sunod-sunuran lang naman itong si Nico kay Alyana tapos ayaw pa nilang aminin na may label na nga talaga sila kahit na obvious na obvious naman. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nilang gawin. Kung ayaw nilang aminin, edi wag. Hindi ko naman sila pipilitin. Kung gusto nilang itago, go lang.
Relasyon nila iyan, ayokong manghimasok. Kaibigan ko sila pero pagdating sa relasyon nila sila na bahala, labas na ako diyan. Sinabi ko rin sa kanila na wala akong kakampihan kapag nagaway sila.
"Oh Cari, ito sayo tapos ito naman sa amin." Nagtataka ako kung bakit isang popcorn at isang drinks lang ang inorder nila para sa kanila.
"Kulang yata yung nabili niyo?" Tanong ko, nagtataka.
"Huh? Hindi sakto lang naman.... Ahh ito ba? Yung sa mga napapanood ko kasi isa lang talagang binibiling drinks at pagkain. Share na lang kami ganoon. Ikaw? Kulang pa ba sayo yan?" Umiling ako at hinila na sila papasok sa loob ng sinehan.
Sa bandang gitna kami pumwesto at syempre hindi pwedeng magkahiwalay ang dalawa. Katabi ko si Alyana tapos si Alyana katabi niya si Nico. Bali pinaggigitnaan namin ni Nico si Alyana.
Habang hindi pa nagsisimula naririnig kong tumatawa ang dalawa, mukhang may nakita silang pwede nilang pagchismisan. Ako naman ay inabala ang sarili sa pagkain ng popcorn kahit na hindi pa nagsisimula ang palabas.
"Cari,magsabi ka kapag may kailangan ka ah." sabi pa ni Alyana sa akin bago magsimula ang palabas.
Napansin ko na ang mga taong nanonood ay halos magkasintahan. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh romance nga naman ang genre ng papanoorin namin.
Napakunot ang noo ko ng may tumabi sa aking pamilyar na lalaki. Bago ko siya tanungin kung anong ginagawa niya dito, hinintay ko muna kung may kasama ba siya. Pero wala naman akong nakita, kaya kinalabit ko na siya. Ngunit hindi siya nagulat nang makita ako sa tabi niya.
"Ate, kaya ako nandito kasi naghahanap rin ako ng single na pwede kong ligawan o gawing girlfriend. Malay natin diba? Sa sinehan pa ako swertehin." Nung nakaraan abala siya sa cellphone niya para maghanap ng babae sa dating app, mukhang hindi nagwork.
"Alam mo kasi, matuto kang maghintay. Kaya di ka binibigyan ng girlfriend dahil masyado kang nagmamadali. At kung bibigyan ka man, paniguradong hindi kayo magtatagal dahil nga minamadali mo ang lahat." Ngumisi ito at uminom ng tubig bago ulit nagsalita.
"Wow! Based on your own experience ba 'yan Ate?" Tinawanan niya pa ako. Hindi na ako sumagot dahil pumatay na ang ilaw at nagsimula na ang palabas.
Maganda naman ang pinanood namin. Paminsan-minsan akong ginugulo ni Leo habang nanonood kami pero sa huli ay natapos rin namin ang palabas nang maayos.
"Ang sarap sigurong mainlove no? Grabe! Ang galing nung pinananood natin!" Nakakagulat dahil parang ngayon lang yata nakapanood ng ganitong klaseng movie si Leo, kanina niya pa pinupuri ang palabas na pinanood namin.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...