Prologue

237 8 3
                                    

Linggo ng umaga ngayon. At gaya ng aking nakasanayan kailangan kong gumising ng maaga para tumulong sa magulang ko dito sa isang resort na pagmamay-ari ng pamilya Montereal.

Hindi sila ganoon kadalas pumunta dito. Kapag may mga okasyon lang o di kaya'y kapag bakasyon lang nila. May isang lalaki na madalas kung pumunta dito. Kulang na nga lang ay tumira na siya dito.

Matagal na kaming naninirahan dito sa tabi ng resort. Matagal na ring pinagkakatiwalan ng mga Montereal ang pamilya namin dito. Mabait naman sila masusungit nga lang talaga lalo na si Sir Raze at si Sir Ryder.

"Cari, tulungan mo ako. Maraming mga bisita ngayon." Agad ko namang nilapitan si Mama. Malapit na ang summer kaya naman muling dinadayo ang resort ng mga Montereal. Dati ang resort na ito ay exclusive lang para sa kanilang magpapamilya pero naisipan din nila na buksan ito para sa mga ibang tao. Kaya ito at dinadagsa na naman ang resort.

Sa pinakadulo kasi nito makikita mo ang dagat na napakaganda. Kaya nga gustong gusto ko sa lugar na ito. Bukod sa tahimik at payapa, may dagat sa tabi.

Kapag nandito ka sa resort ay aakalain mong nasa Rome ka dahil inspired ito sa Rome. May mga gods and goddesses na statue sa paligid at marami pang iba.

"Welcome to Montereal Beach Resort!" Bati ko sa mga taong pumapasok. Nginitian ko sila.

"Uy Cari! Marami na namang tao, malamang ay matinding pagod na naman ang aabutin natin nito." Nilapitan ako ng isa sa mga kaibigan ko na si  Rose. Ang pinakamaingay saaming magkakaibigan.

"Oo nga eh." Pagsasangayon ko at napatingin sa mga taong dumarating. Sabay naman kaming napatingin sa phone ko ng makitang may nagtext.

From: Reid Montereal
I'll go there later baby

Kasabay naman nun ang malakas na pagtili ni Rose dahilan para tignan siya ng ibang mga bisita. Kaya hinatak ko siya papalayo sa mga tao.

"Ano ka ba? Wag ka masyado maingay." Panunuway ko at tinago ang phone sa bulsa ng shorts ko.

"Pupuntahan ka raw niya. Hindi ka ba masaya?"

"Alam ko. Nabasa ko. Bakit naman ako matutuwa?" Kunot noong tanomg ko at naupo muna dahil may mga nagaasikasi naman na sa mga turista.

"Ewan ko sayo Cari, hindi ka marunomg mag-appreciate sa manliligaw mo." Napailing ito at iniwan ako.

Manliligaw? Kailan ko pa naging manliligaw si Reid? Tsaka Montereal yun eh. Malabong mangyari yun. Kaya lang naman niya ako tinatawa ng 'baby' para asarin ako. At alam ko rin naman na hindi seryoso saakin si Reid. Malamang ay marami siyang babae sa Maynila katulad ng isa niyang Kuya.

Hindi kami ganoon ka-close ni Reid. Siya lang naman itong feeling close at kaya ko lang naman nakuha ang number niya ay dahil binigay niya saakin at tinanong niya kay Rose ang number ko.

"Nagiisa ka na naman anak. Makihalubilo ka naman sa iba." Tinabihan ako ni Papa ng makita niya ako.

"Alam niyo naman po Pa ang dahilan diba." Hindi kasi ako masyadong nakikihalubilo talaga sa iba maliban na lang kung lubos kong kakilala ang isang tao. Mahiyain din kasi ako at hindi basta basta kumakausap ng kung sino sino. Hindi ako katulad ni Rose. Magkaibang magkaiba kami.

"Pero anak. Malaki ka na eh. Hindi ka na bata. Kaya dapat matuto kang makisama sa ibang tao. Katulad ng mga kaibigan mo oh." Tinuro ni Papa ang mga kaibigan ko na nakikipagusap at nakikipagtawanan sa mga turista.

"Susubukan ko po." Iyan palagi ang sagot ko sa tuwing napaguusapan namin ang ganitong klaseng bagay. Hindi naman kasi talaga ako komportable makipagusap sa ibang tao.

Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)Where stories live. Discover now