Chapter 22

23 4 0
                                    

Ilang araw na akong nasa bahay lang. Lumalabas lang ako kapag kinakailangan. Paminsan-minsan ay nagi-sleep over dito sila Alyana at Nico para samahan ako. Ayaw daw nila na magisa ako dito sa bahay. Gusto nilang makasigurado na hindi ako masyadong nalulungkot at nagmumukmok magisa.

Napakaswerte ko nga dahil nandiyan sila para sa akin. Hindi ko alam kung paano ako kapag wala sila dito. Kung palang hindi ko sila nakilala, magisa lang talaga ako dito sa Manila. Syempre si Reid may ibang inaasikaso ganoon din naman si Leo. Hindi naman pwedeng araw-araw na samahan nila ako. Mabuti na lang talaga ag nakilala ko si Alyana at Nico. Nakangiti ko silang tinignan pero napaiwas ako ng tingin ng may tumulong luha sa akin.

"Hala Cari! Bakit ka umiiyak?" Tinakpan ko ang mukha ko. Naramdaman ko na lang ang paglapit nila sa akin. Hinahaplos ni Alyana ang buhok ko at pinapatahan.

"Cari, bakit ka umiiyak? Anong problema mo?" Nagaalalang tanong ni Nico sa akin. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa aking mukha.

"Wala naman. Ayos lang ako. Salamat." Natawa ako ng umiyak na rin si Alyana.

"Cari naman eh. Nakakainis ka naman. Pinapaiyak mo ako eh. Huwag ka ng iiyak ah. Anong salamat? Wala yun no. Nandito kami ni Nico para sayo."

"At dahil diyan, group hug!" Mahigpit nila akong yinakap at natatawa pa silang dalawa. Agad rin naman akong kumalas at pinunasan ang luha.

Kumain na muna kami ng tanghalian. Walang pasok ang dalawa, day off nila kaya may makakasama ako buong magdamag dito sa apartment. Nakapagplano na nga sila ng mga gagawin namin ngayong araw.

"Cari ano ng balak mong gawin? Uuwi ka na ba niyan sa inyo?" Tanong ni Alyana habang nagbibihis kami sa kwarto ko. Si Nico ay naghihintay sa amin sa labas.

"Hmmmm. Ewan. Di ko pa talaga alam eh. Ayaw ko pang pagusapan ito. Sa susunod na lang ako magiisip ng dapat kong gawin. May mga naipon pa naman akong pera. Gusto ko munang ipahinga ang sarili." Wala pa talaga akong balak aa ngayon. Hindi ko rin alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagiging news anchor ko sa kabilang network naman. Hindi ko nga alam kung paano ako makakapagsimula ulit.

"Bilisan na natin. Naghihintay si Ma'am Eli." Nakatingin sa phone si Alyana at mukhang may ka-text ito.

"Teka, sinong naghihintay?" Tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Alyana. "Si Ma'am Eli. Gusto niya raw sumama sa atin tsaka gusto ka niya raw makita. Sorry hindi ko na sinabi agad sayo. Surprise sana eh." Napatango lang ako dahil wala namang problema iyon sa akin.

Si Ma'am Eli ang tumayong nanay namin sa buong pagtatrabaho ko bilang isang news anchor.  Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat aa kaniya ng personal. Sobrang bait kasi sa amin ni Ma'am Eli lalo na sa akin dahilan para mainggit na naman itong si Miles.

"Cari! Nagkita ulit tayo." Agad akong sinalubong ng yakap ni Ma'am Eli. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkita pero para sa kaniya parang isang taon na raw kaming hindi nagkikita at nagkakausap.

"Ma'am Eli, kamusta na po kayo? Kamusta ang trabaho? Ayos lang po ba?" Tanong ko dito habang pumipili sila Nico at Alyana ng una naming pupuntahan.

"Okay lang naman. Oo nga pala, diba wala ka namang boyfriend. Wala rin namang nanliligaw sayo diba?" Nagkatinginan kami ni Alyana sa tanong ni Ma'am Eli.

"Ahh. O-opo?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Nagulat rin ako dahil hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon.

"Yung anak ko kasi halos magka-edad lang kayo. Tatlong buwan na silang hiwakay ng dati niyang girlfriend. Kaya ngayon hinahanapan ko siya ng pwede niyang makadate, paano laging nagmumukmok sa kwarto niya."

Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)Where stories live. Discover now