Araw-araw wala akong ginawa kundi ang magtrabaho. Nilunod ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan akong nagoovertime at minsan ako pa ang pumapalit sa ibang anchors, dahil ginusto ko naman yun.Kapag may mga favor ang mga katrabaho ko dito, puro 'oo' o tango lang ako. Pumapayag ako sa lahat ng favors nila basta kaya ko itong gawin.
Ginagawa ko rin ang lahat para sa trabaho ko tipong wala na akong oras para makapagpahinga.Pero kung ako ang tatanungin? Ayokong mag-day off o magpahinga sa trabaho. Nagiiba ang pakiramdam ko kapag wala akong ginagawa. Siguro nasanay na talaga ako sa araw araw na routine ko, na walang pahinga.
Matagal-tagal na rin naman ako dito sa trabaho ko halos ilang buwan na akong nandito at ganoon pa rin naman ang lahat. Kaya lang, ako nga lang ang walang sariling program. Sila Alyana kasi at Nico sila ang nagsisilbing host sa isang program. At mataas ang nakukuha nilang sweldo compared sa akin.
Dati kasi meron na sana akong sariling program kaya lang naudlot pa. Hawak ko na pero nawala pa. Sayang yun pero ayos lang. Marami pa naman akong ibang paglalagyan eh. Baka hindi lang talaga yun ang perfect timing para sa akin. Maghihintay na lang muna ako.
"Cari babes, anong balak natin mamaya? Kakain ba tayo?" Nakasalubong ko itong si Alyana at kahit na marami siyang ginagawa, nakakahanap pa rin siya ng oras para makaalis at makapamasyal. Syempre kasama niya itong si Nico. Hindi mo naman sila mapaghiwalay. Lagi silang magkasama.
"Kayo na lang. Hindi muna ako makakasama ngayon." Mabilis akong nakakatanggi pagdating sa ganitong bagay pero kapag tungkol na sa trabaho, nahihirapan talaga akong tumanggi.
"Eh bakit naman? Ayaw mo ba kaming kasama? O baka gusto mo tayong dalawa lang at wala si Nico?" Hinawi niya ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Hindi na kasi ganoon kahigpit abg pagkakatali sa buhok ko kaya tumatakip sa mata at mukha ko ang ibang parte ng buhok ko.
"Sus. Tayong dalawa lang? Eh hindi ka nga makatagal sa isang tabi kapag wala si Nico. Ang bilis bilis niyong mamiss ang isa't isa. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha non?"
"Hindi naman. Gustong gusto ko kayang nakikita ang pagmumukha niya." Natawa naman ito at parang kinikilig pa nga.
"Okay? Bumalik ka na nga sa trabaho mo." Mahina ko siyang tinulak paalis sa tabi ko at inasikaso ang mga dapat kong gawin. Sandali pa akong huminto at inalala ang dapat kong gawin, nakalimutan ko kasi dahil nga umeksena itong si Alyana.
"Masyado ka namang masipag Cari. Why don't you take a rest? Wag ka na munang magovertime dahil hindi na rin naman na kailangan." Habang papunta ako sa restroom ay nakasalubong ko si Ma'am Ela. Matagal na siyang nagtatrabaho dito.
"Hindi ko naman po kailangan magpahinga. Kaya ko pa naman po." Tinapik nito ang balikat ko at ngumiti.
"Alam mo? Nakikita ko ang sarili ko sayo nung mga panahong kaedad mo ako. Just like you, napaka-hardworking ko ring tao. Tipong hindi uso sa akin ang day off o ang salitang pahinga but now that I'm getting older, narealized ko na minsan hindi mo kailangang magpakalunod sa trabaho. Magpahinga ka rin kasi hindi ka naman robot. Kaya sa susunod wag ka na magovertime ah." Tumango na lang ako at nagpaalam na magre-restroom lang.
Kapasok ko sa restroom ay agad akong humarap sa salamin at hindi na ako nagulat sa itsura ko. Aware naman kasi ako na mukha akong nagbuhat ng mabigat na bagay. May malulusog na akong eye bags. Tapos ang gulo pa ng buhok ko.
Hinilamusan ko na lang ang mukha ko para naman mabawasan ang pagmumukhang haggard ko. Mukha akong matandang dalaga na maraming pinoproblema at stress na stress sa buhay.Matapos kong maghilamos ay kumuha ako ng tissue para punasan ang mukha ko. Habang nagpupunas ay ilang beses akong bumuntong hininga. Lumabas rin ako agad ng restroom. Ayoko ng tumagal doon dahil nga nakikita ko lang ang itsura ko.

YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...