"Ate Cari!!! May tumatawag sayo!" Sabay kaming napalingon ni Reid dito kay Leo na papalapit sa akon habang bitbit ang phone ko.
Nang mai-abot sa akin ito ni Leo, nagkatinginan kami ni Reid dahil number ito ng isa sa mga kasama ko sa trabaho. Bago ko pa man ito masagot ay nagring na ein ang phone ni Reid.
"Take that call, maybe it's important." sabi ni Reid at lumayo sa amin ni Leo dahil sinagot niya na ang tawag sa kaniya.
Sinunod ko ang sinabi ni Reid. Napansin ko naman si Leo na nakatingin sa kamay ko na nanginginig, kaya naman lumayo na ako sa kaniya para kausapin itong si Karina.
[Nakita mo na ba yung nakapost sa isang website? Trending ngayon!]
"Kailan pa ito? Ngayong umaga lang ba? Hindi ko alam kung sino ang nagpost nito eh. Kilala mo ba?"
[Mas lalong hindi ko kilala no! Huwag ka na munang pumasok ngayon. Papunta na sila Alyana at Nico diyan sayo]
"Kailangan kong pumasok, may inuutos sa akin si Sir Jake eh."
[Oh paano itong issue mo dito kay pogi? Malamang dadayuhin ka ng mga echuserang reporter kapag nakita ka nila!]
"Bahala na!"
Kakababa palang ng tawag pero may bago na namang tumatawag sa akin. Binaba ko muna ito sa lamesa at tinitigan, pinagiisipan kung sasagutin pa ba ito. Dahil malamang pagkatapos kong sagutinnyan, ay may tatawag na naman.
Ano pa bang dahilan para tumawag sila? Syempre yun ay yung dahil sa issue na lumabas ngayon. Kukunin ko na sana ang phone ko, kaya lang ay naunahan kaagad ako ni Reid.
Pinatay niya ang phone ko at muling inalapag sa mesa. Tinignan niya itong si Leo na kanina pa pinagmamasdan ang kilos namin ni Reid. Tinanguan ni Reid itong si Leo at mabilis itong lumabas ng apartment.
Napatingin ako sa phone ni Reid at nandoon pa rin ang kumakalat na pictures naming dalawa. May pocture kami na nasa parking lot, at kagabi lang ito nangyari. Ito yung umakbay siya sa akin. Tapos meron pa yung kumakain kaming apat nila Nico, habang nakatakip ang kamay ko dito kay Reid.
Sa pagkakatanda ko ay dalawang pictures lang ang nakapost sa isang website, pero marami ng nakakakita at pinagkakamalan na nag-double date kami kagabi at may tinatago kaming relasyon ni Reid.
"Huwag ka munang pumasok. Just stay here, kapag nagpakita ka sa trabaho baka mamaya ano pang mangyari. Huwag na lang din tayong lumabas dito sa apartment, lumilinaw ang mata ng mga tao kapag makikita nila tayong magkasama o nasa labas." Binantaan ako ni Reid, napakaseryoso nito at bakas sa mukha niya ang pamomroblema.
"Pero Reid kailangan na kailangan kong pumasok. May gagawin akong interview doon sa isang basketball player at kapag hindi ako nakapasok ay baka mapunta pa iyong project na meron ako sa iba."
"Tsk. Bahala ka nga!" Padabog na pumunta sa sala itong si Reid.
Bahala rin siya! Papasok ako kung gusto ko! Isa pa, wala namang masama doon. Imposibleng sumugod ang mga taga-media sa trabaho ko dahil ako mismo eh nagtatrabaho roon! Kung may magtatanong man, kung totoo yun edi hindi na lang ako sasagot o kaya naman eh aaminin ko kung ano ang totoo. Bahala na kung gindi sila maniwala bastat sinabi ko kung ano yung totoo.
Gaya ng nakagawian, kumain na ako. Hindi ko na tinawag pa si Reid, baka magdabog sa harap ng pagkain. Katapos kong kumain ay pumasok ako sa kwarto ng hindi pinapansin si Reid. Naligo na ako at nagayos. Hindi pa naman ako ganon ka-late eh. Tsaka magtataxi na lang rin ako.
Lumabas na ako ng kwarto at sa sala na lang ako nagayos ng buhok ko. Inayo ko na rin dito ang mga dadalhin ko sa trabaho. Pinasok ko sa bag ang mga papel na inuwi ko kahapon dahil kailangan kong pagaralan dito ang ibang script.
![](https://img.wattpad.com/cover/257654046-288-k906216.jpg)
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomantizmOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...