Hindi ko alam bakit may mga tao na naniniwala kaagad sa mga sabi-sabi kahit na hindi naman yun totoo. Naalala ko lang kasi ang ginawa sa akin ni Miles nung nakaraang araw, siya kasi yung kinampihan imbes na ako dapat.
Hindi naman nakita ni Sir Jake ang totoong nangyari pero kumbinsidong kumbinsido at paniwalang paniwala siya dito kay Miles, hindi ba dapat bago niya ako pagalitan ay alamin niya muna kung ano ang totoong nangyari? Kasi nga sobrang unfair sa side ko.
Dapat hinayaan niya muna ako na mag-explain. Magi-isang buwan na akong nagtatrabaho dito sa 24/7 News at alam ng mga katrabaho ko na hindi ako basta-basta mananakit ng kapwa ko. Ni hindi ko nga pinatulan si Miles sa lahat ng kasamaan na ginawa niya sa akin eh. Hinayaan ko lang siya. Pinalipas ko.
"Oh? Iniisip mo na naman ba yun? Diba sinabihan na kita." Umupo sa harapan ko si Reid at inilapag sa lamesa ang order naming dalawa.
Inaya niya kasi akong kumain sa labas since day off ko naman na. Nagbabalak din kasi ako na pumunta sa resort ngayon. Uuwi muna ako, gusto kong magpalamig doon.
"Hala! Kumain na kayo agad? Hindi niyo naman ako hinintay." At syempre, hindi mawawala ang kapatid ni Ate Liana. Closed na rin naman kami ni Leo kaya ayos lang naman na nandito siya, ewan ko lang dito kay Reid.
"Alam mo? Ikain na lang natin 'yan mas mabubusog pa tayo. Wag ka muna magdadrama, hindi bagay sa panahon. Mainit ngayon eh." saad ni Leo at pinagtuonan na ng pansin ang pagkain niya.
Masaya ako na kahit na wala sa tabi ko ang pamilya ko ay nandito si Reid, Leo at Nico para sa akin. Nandiyan sila kapag kailangan ko ng makakapitan. Nakakatuwa lang dahil kahit na ilang beses ko mang i-reject itong si Reid ay hindi siya nagpakita ng ibang paguugali sa akin. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin.
"Daan muna tayo sa mall, kung ayos lang sainyo?" sabi ko habang palabas kami ng restaurant. Kakatapos lang namin kumain pero kumakain na naman si Leo. Desser daw, nilalantakan niya ngayon ang ice cream na binili mismo ni Reid para manahimik raw siya. Parang bata lang.
"Sure, it's fine with me." Napangiti ako ng payagan ako ni Reid. Gusto ko kasing pkay lang sa kaniya dahil nga siya ang magda-drive.
Magsasalita sana si Leo kaya lang ay agad namang humirit itong si Reid.
"Hindi namin kailangan ngopinyon mo ah. Kaya kita binili niyan para malibang ka, okay baby boo boo?" Hindi ko mapigilang matawa sa tinawag ni Reid dito kay Leo. Ang sama-sama tuloy sa kaniya ng tingin nito.
"Baby boo boo? Parang pinasosyal mo lang yung salitang 'bobo' eh." Inis na pumasok sa loob ng kotse si Leo, tinawanan lang namin siya ni Reid.
Gaya ng sinabi ko kanina kay Reid, daan muna kami sa mall. Nagsweldo naman ako nung nakaraang linggo at tinabi ko yun para sa mga kapatid ko.
"Hindi mo na kailangang bilhan ng mga kung ano-ano yung pamilya mo. Dahil makita ka lang nila, tuwang-tuwa na sila."
"Alam ko naman yun. Gusto ko lang 'tong gawin sa kanila. Nangako ako nung nakaraan na bibigyan ko sila kahit papano ng pasalubong, kaya bilang ate nila ginagaw ako ito. Minsan lang din naman ito."
Mabuti na lang at malapit ako sa mga kapatid ko kaya alam ko kung ano ang gusto nila at medyo napabilis ang pagbili ko. Hindi naman masyadong mahal yung binili ko. Yung mapapanginabangan nila yung binili ko para naman hindi sayang. Sinigurado ko rin na magagamit nila iyon ng pangmatagalan.
"Ako ba? Hindi mo ako bibilhan?" At eto na naman nga si Leo.
"Luh, feeling family ka niyan?" pagbibiro ni Reid sa kaniya.
"Ano bang gusto mo?" Bahala na at ng matahimik din ang lalaking ito. Ngayon magkakasam akaming tatlo parang bunsong kapatid namin ni Reid itong si Leo dahil ganoon siya kung umasta ngayon.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...