"Bakit mo pa gugustuhing makasama ako sa natitirang ilang oras kung pwede mo naman akong makasama habang buhay? Sasama ka sa akin ngayon at pinapangako ko sayo na hinding-hindi na mawawala ang matamis na ngiti sa labi mo."
"Huh? A-anong ibig mong sabihin? P-pero-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla naman siyang nagsalita.
"No buts, you're coming at my place now." Sa sinabi niyang iyon unti-unting nanlaki ang mata ko, dahilan para tumawa siya. Dinadaan niya na naman ako sa mga ngiti niyang 'yan.
Hindi ko pa napo-proseso sa utak ko ang mga nangyari ngayong araw ay agad niya ng hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta dito sa parking lot.
"Saan nga tayo pupunta?" tanong ko.
"I miss hanging out with you, so let's hang out again at my place."
Habang tahimik na bumabiyahe, lihim akong napapangiti dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko aakalain na sa wakas muling bumalik ang mga matamis na ngiti ko na siyang dahilan nito. Kahit na walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi ito naging awkward sa akin. Mas gugustuhin kong hindi magsalita at hindi magkwento, gusto ko lang ng ganito. Tahimik lang sa biyahe habang pareho kaming nakangiti. Napakapayapa lang.
"Anong gagawin natin dito sa condo mo? Kakain?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob, kanina inalalayan niya akong makababa ng kotse pagkatapos ay mahigpit itong humawak sa kamay ko na para bang ayaw niya ng pakawalan ang mga ito.
"Just like what we used to do before. Wala namang nagbago diba? Ganoon pa rin naman." Gaya nga ng sabi niya, ginawa lang namin kung ano 'yung mga nakagawian na naming gawin noon.
Manonood kami ng movie pero bago 'yun naghahanap muna kami ng makakain namin. Abala si Reid sa phone niya, mukhang nagse-search ito kung anong lulutuin niya ngayong gabi.
Ako naman ay dumiretso muna sa sala para tignan ang itsura ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang namumugto kong mata. Namumula na rin ang pisngi ko, hindi naman masyado kita dahil nga hindi naman ako ganoon kaputi pero sa malapitan ay makikita mo talagang namumula ito.
"Hey, are you drunk?" Napatingin ako kay Reid nang magtanong ito. Nakagat ko ang ibabang labi ko, hindi ko alam kung ikukwento ko ba. Ayaw ko naman magsinungaling sa kaniya pero ayaw ko rin namang magalit siya dahil dito.
"Hmm. Yes you are. Bad girl na ba ngayon iyang baby ko huh?" Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakayakap ito muka sa likuran ko.
"Hindi naman marami 'yun. Alam ko naman kasi na hindi ko na kakayaning umuwi magisa kapag dinamihan ko ang inom. Ang iba ay tinatapon ko lang naman ng patago." Hindi ko alam kung dapat ba na magpaliwanag pa ako sa kaniya pero parang kailangan nga talaga.
"Fine, papadeliver na lang tayo para hindi na tayo magluto. What do you want to eat?"
"Hindi pa naman ako gutom na gutom kaya kahit ano na lang, basta wag lang tayong magkanin."
"Midnight snacks huh?"
Ang unexpected ng mga pangyayari ngayon. Hindi naman ito ang gusto ko mangyari kanina. Ang gusto ko lang naman ay makita siya pero hindi ko inaasahan na magkakasama kami ngayong buong gabi.
"Paano na yung ex mo? Diba nagbalikan kayo?" Hindi ko na napigilang itanong ang tungkol dito, habang nanonood kami ay hindi ko naitikom ang bibig ko. Humarap ito sa akin at tawa ng tawa.
"Ganiyan ka pala magselos? What do you want me to do with Sachi? Dahil ba nakita mo kami na laging magkasama?" Hindi ako nakakuha ng sagit sa kaniya kaya uminom na muna ako ng tubig bago ako ulit humarap sa kaniya.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...