Matapos i-anunsyo ni Reid na balak niya akong ligawan, umalis na muna ako sa bahay namin. Nagpaalam ako na aasikasuhin ko lang ang mga turista dito saamin. Pero ang totoo, nilalayo ko lang ang sarili ko kay Reid.
Nung una ayos pa siya saakin eh. Kasi alam ko na nangaasar lang siya o di kaya'y nagbibiro lang para lang inisin ako. Pero ngayong sinabi niya yun at sa harap pa ng magulang ko? Nakaramdam ako ng pagkailang.
"Dapat nga matuwa ka eh kasi Montereal yun no. Gwapo, mayaman at mabait!" Todo puri si Rose kay Reid.
"Hindi sa nagiinarte ako. Ang akin lang, wala sa isip ko yung mga ganiyang bagay. Gusto ko siyang maging kaibigan. Yun lang. Wala na." Pagpapaliwanag ko.
Nagkaniya-kaniya muna kami ni Rose. Pumunta muna ako dito sa rooftop ng hotel. Dito kasi ako madalas tumambay. Tahimik kasi dito tapos maganda ang simoy ng hangin. Nakakaramdam na rin ako ng kaunting lamig dahil nga malapit ng magdilim. Kitang kita ko dito kung gaano kaganda ang paglubog ng araw.
Napatingin ako sa phone ko ng makita na may bagong vlog si Miss Clarisse. Idol na idol ko talaga siya simula pa noon. Ang ganda niya lang kasi eh. Napakaswerte ni Sir Ryder sa kaniya at syempre swerte rin si Miss Clarisse kay Sir Ryder.
"It's a great day today because it's another vlog day!" Bungad ni Miss Clarisse dito sa vlog niya. Iyan palagi ang nakagawian niyang sabihin sa bawat mga vlogs niya. Mas lalo akong natuwa ng makita na kasama niya si Sir Ryder. Nakakatuwa talaga silang tignang magkasama. Bagay na bagay talaga sila.
Nagkaroon sila ng laro na ang tawag ay 'How well do you know each other'. Ang cute nilang dalawa!
"Clarisse's favorite scent?" Tanong ng isang lalaki na kasama nila.
Sabay nilang pinakita ang hawak nilang white board. Kasabay nun ang pagsama ng tingin ni Miss Clarisse kay Sir Ryder. Dahil mali ang sinulat niya sa white board. Grapedruit and Lime from Jo Malone ang nakalagay kay Miss Clarisse habang kay Sir Ryder ay Joy from Christian Dior.
Patuloy lang ako sa panonood. Kailanman ay paniguradong hindi ako magsasawang panuorin ang dalawang 'to. Halata sa mga mata nila na mahal nila ang isa't isa. Yung talagang mapapa sabi ka ng 'sana all' sa tuwing makikita mo silang magkasama.
"Nakakatuwa silang tignan no? Don't worry mas nakakatuwa tayong tignan kaysa sa kanila." Napalingon ako sa tabi ko ng marinig ko ang boses ni Reid.
"P-paano ka napadpad dito?" Medyo nautal pa ako dahil sa pagkagulat. Hindi ko kasi inaasahan ang biglaan niyang pagpunta rito.
"Bawal na ba ang isang gwapong katulad ko dito? Sinundan lang naman kita, just to make sure you're safe." Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya.
"Safe? Safe naman ako dito tsaka ang tagal ko na sa lugar na ito. Baka nga ikaw ang hindi safe dito dahil ang daming babaeng naghahabol sayo." Pagbibiro ko.
"Are you jealous?" Napaurong ako ng maglapit ng kaunti ang mukha naming dalawa. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya.
"Bro, san ka ba pumupunta? Hanap na tayo doon oh!" Nakahinga ako ng maluwag ng dumating ang kasama niya. Kapag nandito si Reid, nagkakaroon ng mga kantahan at syempre siya ang pakaging vocalist sa banda nila. Kapag nandito siya, maraming pakulo ang resort.
Kagaya ni Sir Ryder, magaling din kumanta si Reid. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang pasukin ang pagaartista. Siguro ayaw niya lang talaga o baka ayaw niyang gumaya sa Kuya niya na gusto lang niya ng simpleng buhay.
"Tara sama ka na saamin." Inaya niya rin ako na sumama sa kanila. Hindi na ako umimik at sumama na lang tutal dumidilim na rin naman.
"Magpe-perform ulit kayo?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta kung saan ang stage.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...