Chapter 32

16 3 0
                                    

"Let me be the first to greet you a happy birthday, happiest birthday sweetheart." He kissed the top of my head, my cheeks, and last is on my lips.  


"Alam mo?" nagtatakang tanong ko habang kinukuha ang bouquet an bigay niya, inamoy ko muna ito bago ko siya sinenyasang maupo sa tabi ko. He slightly nodded. "Nakalimutan ko talaga noong nakaraang araw, and then I saw on my phone's calendar na birthday mo nga pala," he said, chuckled. 

"Tanungin mo ko kung bakit white rose yan," Mahina niyang tinapik ang balikat ko na para bang siya si Alyana kung umasta. "Dali na," dagdag pa niya. "Bakit nga ba?"dahil sa pagpupumilit niya wala na akong nagawa kundi itanong na lang din. "Because white roses means purity. And I want to give you the love that is so pure." He melt my heart with those words. 


"Oh alam kong kilig na kilig ka na diyan pero kumain na muna tayo sa labas." Tumayo ito at nagbow sa harapan ko tsaka niya inilahad ang kaniyang kamay. "Binibini, halika na nang makakain na." Umasta siya na parang nasa sinaunang panahon kami, sinakyan ko na lang ang trip niya ngayon. Kami lang ang nandito sa condo, sa susunod pa uuwi si Samira dito. Sayang nga lang at wala siya dito, excited pa pamn din siya noong nakaraan tungkol sa birthday ko. 


"Niluto ko lahat yan, buti na lang pumayag si Liana na gamitin ko yung kusina nila sa bahay nila." Kaya naman pala napapansin ko na hindi siya mapakali dito sa condo, ang paalam niya kasi sa akin kanina busy siya sa trabaho niya yun pala nagluluto lang siya. "Bakit doon pa? Nakakahiya naman sa kanila," Inaalala ko lang na baka mamaya hindi magustuhan ng Kuya niya ang ginawa niya kanina. 


"It's fine, Cari. Alam nilang dalawa, pumayag sila pareho nung nagpaalam ako. Tsakka kung gagawin ko dito yun edi walang surprise na magaganap ngayon. I wanted to give you a simple but special birthday. This is what you called birthday salubong. So, kumain na lang tayo. It's your birthday after all, just be happy." Apat na putahe ang niluto niya, nakakbilib nga at kinaya niya lahat ng ito lutuin. Merong lengua, pesto pasta, steak and calamari. Tapos yung blueberry cheesecake na si Ate Liana naman an may gawa. 


"So how's the food? Nagustuhan mo ba? Does it taste good?" Hinihintay nito ang sasabihin ko, unti-unti lang akong tumango at sumubo ng pasta. Masarap lahat ng niluto niya, inalalayan pala siya ni Ate Liana sa pagluluto. 


"Thank you, Reid. Hindi ko ito inexpect. Kaya lang parang sobra-sobra naman lahat ng mga binibigay mo sa akin ngayon. Hindi ko naman kailangan ng mga regalo, okay na sa akin kung kumain tayo ng ganito pero kasi sa paper bag palang na hawak mo kanina, halatang mahal ang presyo nun." Napailing si Reid at kumuho ng tissue para punasan ang gilid ng bibig ko. "Don't worry, Cari. Sobra-sobra talaga ang binigay ko sayo ngayon because it's your day and you deserved it. Huwag mong isipin kung magkano ang nagastos ko, ang mahalaga na-celebrate natin 'to."


 Nang matapos na kaming kumain, sinindihan na ni Reid ang kandila na nasa cake. Agad naman nag-take ng video si Reid, tumanggi pa ako kanina na kuhanan ako kasi nahihiya ako tsaka hindi naman presentableng tignan ang suot ko na damit. Nakasuot lang ako ng maroon na turtle neck tapos pajama naman ang pangibaba ko. Pero sabi ni Reid ayos lang naman daw ang itsura ko. Hindi naman daw kasi makikita ang pangibaba ko, tsaka maganda na rin naman daw ako. Wala naman akong magawa kundi pumayag na lang dahil alam kong hindi ako titigilan ni Reid. "Make a wish and blow out the candle, Cari." Pumikit muna ako bago ko hinipan ang kandila. 


"Sana magkatotoo lahat ng pangarap mo," he whispered after I blew out the candle. "Thank you," sabi ko naman tsaka ko siya hinalikan sa pisngi, natawa pa nga ako nang makita ang pagkakagulat niya. Kinain rin namin ang cake na ginawa ni Ate Liana, masarap siya yun nga lang hindi namin naubos lahat dahil naparami ang kinain namin kanina. 

Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)Where stories live. Discover now