Nakalabas na ako ng condo pero hindi pa ako gaano nakakapagayos dahil nga nagmamadali na ako, kailangan na raw kasi kaming mga reporter, noong nakaraang araw tumaas ang position ko sa trabaho dahil nakita naman daw nila kasi na masyado akong pursigido sa ginagawa ko. Reporter na ako ngayon, nakakatuwa dahil konti na lang malapit na akong maging news anchor. Kung dati kinaya kong maging isang news anchor sa kabilang station, siguro ngayon naman ay kayang-kaya ko rin 'yon gawin. Sayang nga lang talaga yung posisyon na meron ako noon sa kabilang station, mas nakakatuwa siguro kung pinagpatuloy ko lang yun. Kaya lang, parang kasing ang bilis ng mga pangyayari doon, na sa sobrang bilis hindi ko aakalain na ganoong posisyon pa talaga ang nakuha ko. Mabilis kong nakuha ang ganoong posisyon, hindi man ako ganoon nahirapan kaya siguro tama lang ang naging desisyon ko na ipagpatuloy ang ginagawa ko sa panibagong estasyon, tama lang din na pinili nila akong tanggalin.
"Good thing at napansin ko na naiwan mo 'to," wika ni Reid, inabot niya sa akin ang tumbler na binili niya para sa akin noong nakaraan. "Sorry, akala ko nalagay ko na kanina sa bag ko. Thank you," Kinuha ko na ito at pinasok sa loob ng bag ko. Bilin sa akin ni Reid na kahit nasa work ako wag kong kakalimutan na uminom ng tubig, hindi ko naman talaga kinakalimutan yun. Kaya lang, minsan pinipili kong hintayin ang 30 minutes break namin para lang makainom ng tubig kasi nga minsan wala akong mapagbilhan ng maiinom na tubig, kaya naisipan din ni Reid na bilhan ako ng tumbler, napansin niya rin kasi ata yun.
"After a few months, matatapos na yung bahay natin pero bago pa matapos yun balak ko sanang tumingin na tayo ng mga furniture since yung halos ng gamit doon sa condo eh hindi naman talaga sa akin," Konti lang naman kasi talaga ang gamit ni Reid doon, yung mga furniture ay hindi naman talaga sa kaniya dahil nga noong lumipat siya sa condo na ito, nag-offer sa kaniya ang anak ng may ari ng condo na ito na pwede namang sagot na rin nila ang mga furniture dito. Ayaw ni Reid ng special treatment pero hindi niya natanggihan ito.
Kahit na abala kami pareho sa trabaho ni Reid, hindi pa rin namin pinapabayaan ang tungkol sa kasal. Tinutulungan din naman kasi kami nila Ate Liana kaya nagiging madali para sa amin ang pagaasikaso sa kasal, ganoon din naman ang bahay na pinapagawa namin gaya nga ng sabi ni Reid, malapit na matapos ang bahay namin.
"Hatid na kita," He offered pero mabilis akong tumanggi. Gusto kong magpahatid sa kaniya kanina pa kaya lang nag-text kasi sa akin ang mismong kompaniya na may magaabang daw na van para sa aming mga reporter. "No, later na lang. Sunduin mo ako after work, okay lang ba sayo yun?" tanong ko, minsan kahit na obvious naman sa akin kung ano ang sagot pinipili ko pa ring magtanong sa kaniya, gusto ko lang din kasing makasigurado kaya ganoon.
"Of course, bakit naman hindi? Text me when you're done, okay? Goodbye for now, eat on time huh? And don't forget your water," Tinuro niya ang bag ko kung saan nakalagay yung tumbler ko which is sa bag ko nga. I smiled at him, "I'll text you, see you later. Update mo ako tungkol sa bahay ah," Pupunta kasi siya ngayon sa bahay para i-check kung ano pa bang kulang or kung may kailangan pa bang gawin. Minsan nga halos araw-araw niya puntahan ito dahil nga gusto niyang makasigurado sa bahay namin.
"Kailangan nating magmadali, may nasunog na bahay. Tatlong bahay ang apektado, pero hindi pa alam kung anong pinagmulan ng sunog," Pagbukas na pagbukas ng pintuan ng van, ito agad ang bungad sa akin. Kaya pala ang bilis-bilis ng pagpapatakbo dito sa van, may breaking news pala. Umupo na ako kaagad at naglabas ng papel at ballpen, hinanda ko rin ang phone ko dahil minsan hassle magsulat gamit ang ballpen at papel habang nasa biyahe. Mas mabilis din kasi talaga minsan sa phone eh, magtatype ka lang, automatic din naman itong mase-save sa notes ko.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...