"Congrats anak! Ano bang oras ang alis mo?" Sinalubong ako ng yakap ng pamilya ko. Hindi ko lubos akalain na matatanggap ako. Natupad din ang hiling ko. Grabe! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Mamaya ay aalis na ako papuntang Maynila. Kaya nilulubos ko na ang oras ko dito sa resort. Si Reid naman ay agad nawala dito sa bahay. Baka bumalik sa hotel o nagpapahangin lang. Hindi ko alam kung nasaan siya.
"Hala! Ang galing naman! Congrats! Makikita na kita sa TV niyan. Sana all, ano?" Umabot din kay Rose ang balita na nakapasa ako sa anchor position. Si Nico kaya? Nakapasa din siya? Sayang naman, hindi ko kasi nakuha ang number niya. Hindi ko tuloy siya makamusta.Maaga pa naman kaya nagluto ng meryenda si Mama para sa amin at nagkaroon ng maliit na salo-salo dito sa bahay. Celebration daw para sa akin.
"Tara! Maglakad-lakad tayo sa tabing dagat." Hinila na ako palabas ng bahay ni Rose. Ito talaga ang hilig maglakad kung saan-saan. Pati ako dinadamay.
"Ano bang meron? Bakit ka nanghihila palabas?" Nagtatakang tanong ko. Pansin ko kasing may tinitignan siya. Ngumuso ito para ituro ang tinitignan niya. Tumingin ako kung saan-saan hanggang sa nakita ko si Reid at Vanessa na magkasama.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Rose, kaya lang ay may napansin akomg kakaiba sa dalawang tinititigan ko ngayon. May bulaklak na hawak si Vanessa at mukhang galing ito kay Reid. Si Reid lang naman ang mahilig mamigay ng bulaklak dito.
"Hindi ko alam na mang-aagaw na pala itong si Vanessa. Diba dapat sayo iyang bulaklak? Anong nangyari ngayon? Ibig bang sabihin, nililigawan na ni Reid si Vanessa?" Gaya ni Rose, yan din ang pumasok sa isip ko.
Siguro sinunod ni Reid ang sinabi ko sa kaniya nung isang araw, na dapat kay Vanessa niya gawin ang mga bagay na ginagawa niya sa akin. Kasi si Vanessa kayang kaya niyang suklian ang pagmamahal ni Reid. Pero sabi ni Reid sa akin mahirap tanggalin ang feelings niya para sa akin, tapos ito makikita ko ngayon. Ang gulo naman ni Reid!
"Hindi ko din alam. Pero mukhang nililigawan na nga siya ni Reid." Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Rose kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kaibigan ba natin talaga iyang si Vanessa? Kasi kung oo, hindi siya basta-basta papayag na magpaligaw dahil nga dati mong manliligaw iyang si Reid. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa earth!"
Kung si Rose ay problemado sa kung anong relasyon mayroon si Reid at Vanessa, ako naman ay kabado para sa pagpunta ko mamaya sa Maynila. Ako na naman magisa ang babiyahe. Mukhang natrauma yata ako sa nangyari sa akin nung nakaraan. Sana naman ay hindi na maulit yun. Sana nga talaga.
"Ate! Ate! May naghahanap sayo!" Tumatakbo ang mga kapatid ko papunta sa akin. Hidni pa rin kasi kami umaalis dito sa tabing dagat.
"Bakit parang hinahabol kayo ng aso?" Natatawang tanong ni Rose.
"Sino?" tanong ko sa mga kapatid ko. May maghahanap sa akin ng ganitong oras?
"Yow Clyford! Ano meron?" Agad na sumingit si Reid. Nagulat pa nga kaming dalawa ni Rose dahil hindi namin inaasahan yun. Napatingin ako sa braso ni Reid kung saan nakakapit sa kaniya si Vanessa. Nililigawan niya ba o sila na? Sa mga kilos nila, parang sila na eh. Kung sila na, edi good for Reid.
![](https://img.wattpad.com/cover/257654046-288-k906216.jpg)
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...