"Hindi pa rin sumasagot?" tanong ko kay Nico, tinatawagan niya kasi ngayon si Reid. Actually, kanina pa kami tawag nang tawag sa kaniya pero wala pa rin nangyayari eh. Hindi pa rin siya sumasagot, nagaalala na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong problema niya bakit siya nagkakaganito. Hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng puntahan, kinausap ko nga ulit si Leo kanina kakagaling niya lang daw sa office ni Reid. Wala pa rin daw doon si Reid, pinagtanong-tanong niya rin sa mga empleyado doon pero wala naman daw silang nakitang Reid doon.
Halos ilang oras ng walang paramdam si Reid, lahat kami walang idea kung nasaan siya ngayon. Hindi ko alam kung ayos lang ba siya kung nasaan man ngayon, pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na walang nangyari sa kaniyang masama na baka mamaya may pinuntahan lang kung saan. "Oh may tumatawag! Cari, sagutin mo agad! Baka si Reid na yan," Inabot sa akin ni Alyana ang phone ko, nasa dining kasi kaming dalawa ni Nico eh yung phone ko naiwan sa living room, mabuti na lang at nandoon banda si Alyana kaya agad niya itong nakuha para ibigay sa akin.
Akala ko si Reid na talaga ang tumatawag, si Ate Liana lang pala. Mas lalo tuloy akong nalungkot. "Ate, napatawag ka. Anong meron?"
[Hindi ka namin matutulungan sa paghahanap sa kaniya, may emergency eh]
"Huh? Emergency? Bakit may nangyari ba sainyo? Eh Ate ayos lang naman sa akin yun, alam ko naman na busy kayo."
[Okay lang naman kami, but Clarisse is not okay right now. Nasa ospital kami ngayon, si Ryder palang ang nakakaalam kung anong nangyayari sa asawa niya]
"Hala! Nasaang ospital ba kayo? Pupuntahan ko kayo."
Inayos ko ang sarili ko tsaka ko kinuha ang bag ko sa upuan, "Nasa ospital si Clarisse, kailangan kong pumunta doon para tignan ang lagay niya. Wag na kayong sumama, mas makakabuti yun. Baka mamaya pumunta dito si Reid, text niyo ko kapag may update na kayo tungkol sa kaniya," Yinakap muna ako ni Alyana bago ako hinatid sa labas at pinangtawag ng taxi.
"Magiingat ka ah, kami na munang bahala maghanap sa kaniya." giit ni Nico. Bago nagmaneho ang driver, pinakiusapan ko siya kung pwede niyang bilisan ang pagmamaneho niya dahil nga may emergency. Hindi ko alam kung talagang kailangan ako doon, pero kaibigan na ang turing ko kay Clarisse. Tsaka parang mas kailangan niya kami ngayon eh, bakas kasi sa boses ni Ate Liana ang pagaalala. Habang nasa biyahe, nagtext muna ako kay Mama tungkol kay Reid. Baka kasi pumunta siya sa resort, namamagasa ako na nandoon nga talaga siya ngayon. Dahil nga wala naman akong ibang alam na pwede niyang puntahan kundi yun lang naman.
Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip niya para hindi magparamdam sa akin, kung may problema siya dapat sinabihan niya ako tungkol doon. Kung iniisip niya man na baka hindi ako makatulong sa problema niya kaya hindi niya sinabi sa akin yun, sana kahit nagsabi man lang siya kung anong nangyayari para naman hindi ako clueless. Makikinig naman ako eh, kung ganoon ang sitwasyon. Alam ko naman na hindi talaga ako makkatulong lalo na kung ang problema niya ay tungkol sa trabaho, pero handa ko naman siyang pakinggan.
"We found out that there is no development, there is no embryo." Kuya Ryder's voice broke while explaining what happened to Clarisse. Pinipigilan niyang umiyak sa harapan namin, siguro dahil alam niya na never pa namin siyang nakitang ganitong kaemsyunal. Nasa loob pa ng kwarto si Clarisse habang kami ay nagpulong-pulong dito sa labas ng kwarto niya para pagusapan ang nangyari. "Our doctor said we have to wait another week to confirm if the pregnancy will not push through anymore," pagpapatuloy ni Kuya Ryder. Tinapik ni Kuya Raze ang balikat ng kapatid niya, mapait naman siyang nginitian ni kuya Ryder.

YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...