"Nakausap ko na kapatid ni Liana. Good thing, magbibigay sila ng discount sayo. Mas mabuti na yun para makatipid ka." Umupo sa tabi ko si Reid habang umiinom siya ng kape. Mamaya na kami pupunta doon sa tinutukoy niyang apartment.
Sana lang ay kayanin kong tumira ng ako lang ang mag-isa. Paniguradong maga-adjust ako kapag nasa Maynila na ako nakatira. Lalo na't hindi ako sanay mamuhay ng magisa at malayo sa pamilya ko. Kung pwede lang silang dalhin sa Maynila, nagawa ko na. Kaya lang alam kong hindi yun pwede. Siguro ito na yung panahon para maging independent.
"Hahatid ka ni Reid? Buti naman kung ganoon. Sayang nga lang at hindi ako makakasama sainyo." Akala ko ay hindi niya alam ang tungkol dito. Sabagay, malamang ay sasabihin naman sa kaniya ni Reid since siya yung nililigawan nito.
"Teh, hindi mo naman na kailangang sumama. Masyado ka ng supportive dito kay Cari. Tsaka wag kang mag-alala, hindi niya aagawin sayo si Reid ahh." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba itong si Rose o totoo ang mga sinasbai niya. Ni hindi kasi siya ngumiti. Seryoso lang siyang nagsalita. Galit ba siya kay Vanessa?
"Hindi naman yun ang inaalala ko." Napailing na lang ito at ngumiti sa amin. Ako naman ay hindi ko alam kung susuklian ko din ba siya ng pagngiti o hindi. Parang kasing hindi na ito si Vanessa na nakilala ko dati. Parang may mali. Dahil ba ito sa panliligaw sa kaniya ni Reid? Pero hindi naman bad influence si Reid ah. Mabait naman yun.
Pumasok na muna ako sa loob ng bahay para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Hindi naman masyadong marami ang damit ko kaya hindi ganoon kabigat ang dadalhin ko. May mga gamit naman din kasi doon sa paglilipatan ko na apartment. Kaya mas makakatipid ako dahil hindi ko na kailangan pang bumili ng mga appliances.
"Anak, sigurado ka bang ayos ka lang doon?" Nagaalalang tanong ni Mama sa akin. Nasa gilid siya ng pintuan ng kwarto ko katabi niya si Papa.
"Oo naman po Ma. Gaya nga po ng sabi ng mga kapatid ko, sayang ang opportunity na yun. Magte-text o tatawag na lang ako sainyo kapag nasa Maynila na ako. Kakayanin ko po, para sa pangarap ko." Nginitian ko sila at nagpatuloy na ulit sa pagiimpake ng gamit.
"Kapag nagkaproblema ka doon, sabihin mo saamin kaagad ahh." Tinulungan na nila ako na mag-impake ng gamit.
Pakiramdam ko tuloy eh hindi ako luluwas ng Maynila. Parang pa-ibang bansa na nga ako nito dahil sa mga bilin nila sa akin. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil nga first time kong mahihiwalay sa kanila kaya lang siguro sila ganoon. Bakas sa mukha nila Mama at Papa ang pagaalala sa akin, kaya hindi ko alam kung paano yun mawawala.
Ngumiti man ako at sabihan ko man sila na palagi akong magiingat at huwag silang mag-aalala sa akin. Alam kong hindi pa rin mawawala ang pagaalala nila sa akin. Dahil nga magulang ko sila. Hindi naman talaga yun maiiwasan.
"Ma, Pa. Uuwi po ako paminsan-minsan kapag kaya ng schedule ko. Ngayon pa nga lang po eh nami-miss ko na kayo." Natawa ako para naman hindi masyadong malungkot yung kwarto ko.
Lumapit silang dalawa sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Ngayon ko na lang ulit sila nayakap. Hindi naman kasi ako ganoon ka-clingy sa kanila. Pero pinapakita ko naman na mahal ko sila eh, sadyang hindi lang ako minsan showy at clingy.
"Iho, balitaan mo kami ahh. Sige, magiingat kayo!" Muling nagbilin si Papa dito kay Reid, si Reid naman ay tumango lang at nagpaalam na rin sa kanila. Babalik pa yata siya ulit dito mamaya katapos niya akong mahatid doon sa apartment.
"Why don't you sleep first? Para naman makapagpahinga ka kahit konti."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi nagbago na siya at nakakaramdam pa rin siya ng pagkakailang sa akin at sa mga pinagusapan namin nung nakaraang araw.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...