Chapter 30

18 2 0
                                    

HIndi na namin naggaawang magusap ni Reid ng maayos dahil nga pareho kaming busy pero hindi naman ako sobrang busy talaga. Gustuhin ko man siyang kausapin, hindi ko magawa dahil nga wala raw siyang time para makipag-heart to heart talk. Eh wala naman akong sinabing heart to heart  talk ang gagawin namin, ang gusto ko lang naman kahit papano eh makamusta ko siya. Kahit yung  maikling kwentuhan lang bago kami matulog. 


"Busy ka pa rin?" tanong ko. Tumango lang ito habang nakatingin sa laptop niya. Nasa sala si Samira, nanonood ng cartoons. Si Reid naman nandito sa kwarto, sinundan ko.  "Yeah, a bit. Why?" Tinignan niya lang ako ng ilang segundo at bumalik na ulit sa kaniyang ginagawa. Nagkibit balikat na lang ako at tinabihan siya, nakanguso lang ako habang pinapanood siya. 


Akala ko nagbu-busy-busyhan lang siya, totoo pala talagang busy siya. Hindi ko maintindihan ang nasa laptop niya siguro tungkol sa business niya yun. Ayoko namang pakialaman ang ginagawa niya, kinuha ko na lang ang phone ko sa bulsa ko. Tsaka ko kinuhanan ng litrato si Reid na nakatalikod sa akin. Napangiti ako habang tinitignan ang nakuhanan kong litrato. 


"What are you laughing at?" Natigil ako sa pagngiti nang marinig si Reid na nagsalita, seryoso itong nakatingin sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa laptop pa rin. "Wala naman," pagsisinungaling ko. Baka kasi magalit siya kapag nalaman niya na kinuhanan ko siya ng litrato, baka ayaw niya yung ganoon. 


"Are you sure? Seems like you're doing something, huh?" Pasimple kong tinago ang phone ko, hindi niya naman siguro to mapapansin eh. "Wala no, sige na. Hindi na kita iistorbohin, alis na ko dito." Ready na sana akong kumaripas ng takbo palabas nang biglang tumayo si Reid papunta sa pintuan, kaya natigilan ako. 


"Bakit parang kinabahan ka naman? Tumayo lang naman ako kasi nangalay na ako, are you sure na wala ka namang tinatawanan kanina? You know what Cari, wala nbaman sa akin yung bagay na yun eh. Curious lang naman ako kung ano yung tinatawanan mo kanina." 


"Hindi naman kasi ako tumawa, ngumiti lang ako. Paano mo napansin yun eh nakatalikod ka naman sa akin?" nagtatakang tanong ko, nginisian ako nito. "May mata ako sa likod," sambit nito at tsaka siya humalakhak. Napailing na lang ako sa kalokohan ng isang 'to. 


"Alam mo Reid? Minsan hindi kita maintindihan eh, kanina napakaseryoso mo, tapos ngayon naman puro ka kalokohan. Noong isang araw rin ang sabi mo busy ka, tapos busy ka ulit ngayon. Usong magpahinga Reid at habang nagpapahinga ka, ayus-ayusin mo yang ugali mo ah. Baka mamaya ipadala kita sa mental niyan eh." Ni-lock niya muna ang pintuan bago siya bumalik sa kinauupuan niya. 


"So, do you have a problem with that? Ang sabi mo diba magtatrabaho tayong dalawa at magiipon for our wedding and of course hindi lang naman para sa wedding iyon. Para sa ating dalawa, sa bahay na kukunin natin and everything we need." Umiling ako at muli na namang ngumuso. Ngayon ata mas napapadalas ang pagnguso ko, hindi ko naman gawain ito noon ppero ngayong kasama ko si Reid, walang araw na hindi ata ako nakanguso sa harap niya. 


"What's with that pout? Do you want me to kiss you?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya pero tinigil ko ang pagngusong ginagawa ko, baka mamaya magulat na lang ako gawin niya ang bagay na sinasabi niya kanina. Ayoko naman na mangyari iyon at nakakahiya rin. 


"Wala naman problema sa akin iyon, ang akin lang sana naman bigyan mo yng sarili mo nang kahit kaunting pahinga lang naman, sige ka ikaw din baka mamaya sa sobrang pagtatrabaho mo magkasakit ka pa niyan. Gusto rin nga kitang ayain sa sala para makapag- movie marathon ulit tayo." Sinarado niya ang laptop niya tsaka ito lumapit sa akin. "I'm sorry if I can't make a time for you these past few weeks, I'm really busy and I can't manage my time. Pass muna ako sa panonood ng movie with you, kayo na lang muna ni Samira." Hindi na sana ako magtatampo, dahil nagsorry naman siya sa akin kaya lang hindi pa rin pala siya makakapanood. 

Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)Where stories live. Discover now