Chapter 14

30 6 22
                                    

Ilang araw na ang nakalipas magmula nung pumunta kami sa simbahan ni Reid at ngayon, balik ulit ako sa trabaho. Balik na naman sa ordinaryong araw. Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na pagod na ako?

Napaangat ang tingin ko at nahinto ako sa pagsusulat ng mapansing may nakatayo sa gilid ko. At agad akong napatayo nang makita na si Sir Jake pala ito. Base sa itsura niya ay mukhang pagagalitan niya na naman ako.

"You did well, Cari." Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at unti-unti niya akong nginitian. Na siya namang ikinahinga ko ng maluwag. Akala ko panibagong galit na naman ang mararamdaman nito sa akin.

Ayaw ko pa man din na may taong nagagalit sa akin at sa mga ginagawa ko. Kaya sa abot ng makakaya ko gagawin ko ang lahat ng tama at perpekto. Walang labis, walang kulang. Gusto kong makita ni Sir Jake na dedicated ako sa trabaho ko at malayong malayo ako sa Cari na sinasabi ni Miles sa kaniya.

"Thank you po Sir." Nakipagkamay siya sa akin.  Napansin ko naman na nakatingin ng masama sa akin sa sulok itong si Miles. Na para bang sa mga tingin niyang yun ay sinusumpa niya na ako sa isip-isip niya. Muli kong binalik ang tingin ko kay Sir Jake.

"Keep going, Cari! At magbubunga yang pagiging hardworking mo. Hindi naman natin masasabi diba, malay mo ikaw na pala pumalit sa pwesto ko." Nagagawa na rin makipagbiruan sa akin ni Sir Jake. Hindi na kagay nung nakaraan na mabigat ang pakiramdam niya sa akin s atuwing makakasalubong ko siya.

"And please wag mo palaging papapuntahin si Mr. Reid Montereal dito. Baka ikapahamak mo. Just reminding you na isa kang anchor at posibleng gawan ka ng issue ng ibang network." Pinalalahanan ako ni Sir Jake sa mga hindi ko dapat gawin.

"Cari! May naghahanap sayo." Agad akong nagpaalam kay Sir Jake nang tawagin ako ni Nico.

"Huh? Sino daw?" Tanong ko.

"Si direk chang. Mukhang may ipapahawak sayo na program. Baka ikaw pa nga ang maging host diyan eh."

Tuwang tuwa akong tumakbo papunta sa office ni direk chang. Kapasok ko sa loob ay seryoso silang naguusap-usap. Kasama ang mga producer, cameraman at iba pang kasama namin sa trabaho.

Nakaramdam ako ng kaba pero mas nangingibabaw ang tuwa na nanararamdaman ko. Tama si Nico, posiblemg ako ang gumanap bilang host para sa program na ito. At paniguradong tataas ang sweldo na makukuha ko.

"So you are Cari, right? Ngayon lang kita nakita sa personal. You're beautiful and isang tingin ko palang sayo kitang kita ko na deducated ka sa trabaho na meron ka. That's why we need you here for this upcoming program. Take a sit first." Umupo ako sa harapan nila at pinapakalma ko ang sarili, dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagkaroon agad ng meeting tungkol sa sinasabi nilang program. Mabuti na lang at may mga ka-close ako dito kaya medyo komportable ako. Sayang nga lang at wala dito sila Nico at Alyana. Sila na kasi talaga ang tinuturing ko na bestfriend dito sa trabaho. Pero ayos lang yun, kaya ko naman siguro kahit wala sila.

Nakayanan ko nga ang ibang mga interviews at project ko bilang isang anchor, kaya paniguradong makakaya ko rin ito. Gaya nga ng sabi ni Reid, magtiwala lang daw ako sa sarili ko at magagawa ko ang lahat ng maayos.

"So goodluck to us and I hope we'll do this program well!" Nagpalakpakan ang lahat kaya nakisama na rin ako sa pagpalakpak. Maganda naman ang nangyari sa metting. Kaunting discussions kung anong klaseng program ito.

Bawal pang sabihin ang prgram na ito sa labas. Sa amin lang dapat ito kaya punagbawalan kami na pagusapan ito kapag nasa labas kami. Wala pang final decision si direk chang kung sino ang gaganap bilang host.

"Araw-araw ka na talagang sinusundo ni Reid?" Tanong sa akin ni Alyana. Sabay-sabay kami nila Nico at Alyana na lumabas at pare-pareho kaming nasa parking lot ngayon kasama itong si Reid.

Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)Where stories live. Discover now