Ilang linggo na. Ilang linggo na kaming hindi nagkakausap at nagkikita ni Reid. Hindi na rin ako nagpakita sa kaniya nung pinuntahan namin siya ni Leo. Ni hindi na nga rin siya bumibisita dito eh.
Nakabalik na rin ako sa trabaho at wala na rin ang issue. Dahil may panibago na namang issue ang dumating. May bago na naman tuloy pinagkakaabalahan ang mga tao, bagong chismis bagong theories daw sabi nila Nico.
"Hindi yata pumupunta bebe mo?" Tanong sa akin ni Alyana habang kumakain. Breaktime kasi namin at lagi ko naman silang kasama.
"Huh? Bebe ka diyan. Sino bang tinutukoy mo?" Nagtatakang tanong ko. Napasapo naman siya sa noo niya.
"Hay nako! Si Reid, sino pa ba?" Tumango lang ako sa kaniya at uminom ng tubig.
"Busy." sagot ko naman.
Hindi na nagsalita pa itong si Alyana at bumaling sa gilid niya, kay Nico. Silang dalawa na lang ngayon ang naguusap. Minsan eh naglalambingan pa sa harap ko ang mga 'yan. Pero ako, dedma na lang.
Minsan naman ako na mismo ang lalayo at magdedesisyon na mapagisa na lang muna. Ayoko namang maging third wheel sa kanila kaya ako ma ang lalayo pero minsan gusto nila na kasama nila ako.
Kamo raw kasi ang trio dito sa amimg lahat kaya dapat palagi kaming magkakasama. Trio mga kami pero minsan silang dalawa lang yung nagbobonding, trio pa rin ba nun yun?
"Nagaway kayo no?" Inobserbahan ni Nico ang kilos ko at hinihintay ang sagot ko.
"Hindi, bakit naman?" Hindi ko pa nakaaway si Reid, siguro dati yung hindi namin pagpapansinan eh dahil lang yun sa hindi pagkakaintindihan at ayokong lalo siyang ma-attach sa akin kaya ganoon. Pero away? Napakalabong mangyari.
"Sure ka? Sabagay wala pa akong narinig sa mga kwento niya dati tungkol sayo na nagaway kayo." Tumango na lang itong si Nico at pinaglalaruan ang kutsara na hawak niya.
"Eh kayo? Ano na ba talagang meron sainyo? Dating stage pa rin?" Sa kanilang dalawa naman ang topic ngayon, gumaganti lang naman ako kasi nakakakaba kapag sila ang nagtatanong sa akin. Baka may masabi akong iba, mahirap na
Nagkatinginan pa silang dalawa bago binalik ang tingin sa akin. See? Ganiyan rin ang feeling ko kanina nung tinatanong nila ako pero hindi ko masyado pinahalata dahil ayaw ko na mapansin nila iyon.
"D-dating pa rin naman..." hindi ako kumbinsido sa sagot ni Alyana sa akin. Sasagot na kasi sana si Nico kanina kaya lang ay tinapik ni Alyana ang braso nito para siya na ang sumagot. Ibig sabihin may tinatago ang dalawang 'to sa akin.
"Ayos lang kahit wag niyo munang sabihin kung ano talaga ang totoo. Hindi ko kayo pinipilit gusto ko lang naman itanong." Gaya ng inaasahan ko nanlaki ang mata ng dalawa at gulat na gulat sa sinabi ko.
Hindi pa nila napapansin ang mga sarili nila? Masyadong halata ang mga kilos nila kaya alam ko na meron na silang label. Ganiyan rin naman sila dati nung nasa dating stage sila pero mas lumevel up nga lang ngayon.
Abala ako sa paghahanap ng gift wrap or paper bag na gagamitin ko para doon sa regalo ko kay Ate Liana. Hindi naman ganoon kaganda ang regalo ko sa kaniya pero alam ko na maappreciate niya yun. Si Ate Liana pa, kahit bigyan mo lang siya ng bato eh tatanggapin niya yun ng bukal sa puso niya.
Gagandahan ko na lang ang paper bag or ang gift wrap na bibilhin para naman hindi nakakahiya ang panlabas na itsura ng regalo ko. Paniguradong marami silang bisita mula sa iba't ibang kompaniya kaya dapat talaga presentable ako doon.
"Cari, bawal talaga akong isama? Kahit sandali lang ako doon. Titignan ko lang namam asawa nung may birthday eh." Kanina pa nagpupumilit itong si Alyana na sumama sa akin doon sa gaganaping party.
YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
Roman d'amourOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...