"Cut! Good job again, Cari!" Nagthumbs up ang kasama kong cameraman matapos kaming magtrabaho.
Sa araw-araw kong pagtatrabaho, nasasanay na ako sa ginagawa namin dito. Minsan nga ay wala na talagang script lalo na kapag on the spot. Tsaka hindi rin naman kasi ako sa mismong studio kaya ganoon.
"It means that you like him or her. You have a feelings for that someone. And maybe you're getting jealous. Kaya ganoon ang pakiramdam mo sa tuwing may kasama siyang iba."
Napailing ako ng maalala ang sinabi sa akin ni Nico nung nakaraan. Napakaimposibla naman kasi ng sinasabi niya. Dahil alam ko sa sarili ko na wala talaga akong gusto kay Reis. Kung gusto ko man siya, bilang kaibigan lang talaga at wala ng hihigit pa doon.
Matagal ng malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko talaga siya gusto kaya baka mamaya nagkamali lang ng pagkakaintindi si Nico sa akin nung nakaraan.
"Oh? Leo? Anong ginagawa mo dito?" Sumilip pa ako sa likod niya dahil baka kasama niya si Reid. Palabas na ako ng studio at saktong nakasalubong ko naman itong si Leo.
"Sinusundo ka. Ano pa nga ba? Tara!" Kung umasta ito parang hindi ako matanda sa kaniya ng ilang taon ah. Di bale, sabi nga ni Reid ganito talaga yang si Leo.
"Bakit mo naman ako susunduin?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman na kailangang sunduin ako, kaya ko naman ang sarili ko at isa pa sanay na rin naman ako dahil ilang weeks na 'ko dito sa Maynila.
"Gusto ko lang, masama ba? Tsaka delikado kaya no. Tignan mo 9:30 na ng gabi oh." Kung umakto siya parang kuya ko siya o di kaya ay tatay ko.
Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa kaniya dahil lumalalim na rin naman ang gabi at tama nga siya delikado dito sa Maynila lalo na kapag ganitong oras.
Hindi ko pa rin nga makalimutan ang nangyari sa akin nung bagong punta ako dito. Mabuti na lang at dumating kaagad si Reid at higit sa lahat buhay pa ako ngayon.
"Tumigil na raw sa panliligaw si Kuya Reid?" Biglang pagtatanong ng kasama ko.
"Oo, iba na nililigawan niya ngayon. Si Vanessa, yung kaibigan ko."
"Ano?! Hindi na ikaw? Pero bakit ang bilis naman magpalit nung lalaking yun? Nagmana ba siya kay Kuya Ryder na mabilis magsawa pero ngayon pagdating kay Ate Clarisse hindi siya nagsasawa."
Nakarating rin kami sa apartment at sabi ni Leo, uuwi muna daw siya sa kanila at baka daanan niya si Ate Liana dahil gusto niyang makita ang bago niyang pamangkin.
Agad akong naligo para makatulog na ako. Hindi naman ako angugutom dahil nga kumain kami ni Nico kanina doon labas ng studio kung nasaan ang nagtitinda ng fishball at iba't ibang street foods.
Katapos kong naligo sakto namang nagring ang phone ko. Sila Mama ito at gustong makipagfacetime sa akin. Matagal-tagal na rin simula nung nakita ko sila at nakausap.
Nasabi ko rin kasi sakanila nung nakaraan na huwag muna sila masyado tumawag ng tumawag dahil nga hidni ko naman sila makakausap ng maayos, sobrang busy ko talaga sa trabaho ngayon.
[Anak, kamusta na? Ang ganda ganda mo naman ngayon. Kakaligo mo lang ba? Oh hindi ka ba napapagod diyan? Kumakain ka ba ng mabuti?]
"Hello po Ma, Pa! Ayos lang naman po ako, huwag niyo akong alalahanin. Kumakain po ako ng mabuti dito, tsaka yung kapatid ni Ate Liana nagpapadala lagi ng pagkain dito na luto raw ng Mama nila."
[Mabuti naman kung ganoon. Miss na miss ka na ng mga kapatid mo Cari at syempre kami rin naman. Kailan mo ba balak umuwi dito?]
"Miss na miss ko na rin po kayo. Pinagiisipan ko po, baka sa day off ko niyan or pwede pong mag-leave ako kaso inaalala ko po yung trabaho na maiiwan ko dito. Mahirap po kaisng mapagiwanan sa mga ginagawa namin dito."

YOU ARE READING
Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)
RomanceOnce upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fateful encounter. Reid Andrei Montereal, a charming and kind-hearted individual, found himself captivated by the ethereal beauty that emanate...