Kabanata 21
Brush
I expected that he would apologize after our heated argument, but he did not. All I received was defeaning silence and treatment from him that I couldn't bear anymore. Ilang linggo na ba simula noong huli kaming nag-usap?
Tatlo? Apat?
Hindi ko na alam. Sa loob ng ilang linggong 'yon ay isang beses ko lang siyang nakita. At iyon ay 'yong dumaan ako sa walkway. Siya, galing simbahan at ako, pauwi. Tinapunan niya lamang ako ng tingin na para bang hindi niya ako kilala at nilampasan. I was so mad that time that I wanted to yell at him! Siya pa talaga ang may ganang magalit?
I'm starting to get annoyed of his silence and I'm sure any minute from now, I would make the move para lang makapag-usap na kami ulit. Willing naman akong mag-apologize, e. Na-realize ko rin namang may mali ako. Ang kaso lang, hinihintay kong siya ang mauunang humingi ng tawad kasi siya naman ang nagsimula noong pinag-awayan namin.
''Hindi ka pa rin tini-text?'' tanong ni Bea habang sinusundan ako sa loob ng bookstore. Kaunti lang ang mga tao kaya't mas madaling mamili.
Umiling ako. ''Hindi pa rin.''
Tinignan ko ang iba't ibang uri ng paint na nasa shelf. Tapos na 'kong mamili ng canvas at palette, mayroon na rin akong mga paint brush na nasa cart na tinutulak ni Bea. All I need is quality-excellent acrylic paint and I'm done.
''Anong balak mo? Because technically, boyfriend mo pa rin siya,'' sagot niya.
Napahinto ako. That's true. Boyfriend ko pa rin naman siya at hindi ako papayag kung magb-break kami dahil lang do'n. Pinaghirapan ko na makuha ang atensyon niya at ang tanga ko na lang kung madali ko siyang pakakawalan dahil lang sa simpleng pag-aaway.
''What should I do, then?'' I faced her, nakahalukipkip. ''All I did was to ask him about the girl's identity. Pagkatapos maya-maya lang, nagalit na siya.''
''E' baka kasi masyado kang makulit?'' aniya. ''Baka ang dami mong tanong.''
Pinaglaruan ko ang labi ko habang iniisip kung naging makulit ba 'ko kaso sa kahit anong angle ko mang tignan, hindi naman ako naging makulit. Nagtanong lang naman ako, ah? Is that considered to be naughty?
''Nagtanong lang naman ako, Bea,'' I said as I twitched my lips. ''But.. I guess I was to persistent to ask who that girl is. Baka wala naman talaga? What do you think?''
''Sabi mo touchy 'yung babae?'' nagtaas siya ng kilay. ''Hindi kita binibigyan ng idea, ha. But maybe ask him again once both of you start communicating again. Ang weird lang kasi kung family friend tapos kung maka-arte, akala mo girlfriend?''
Bumuntong hininga ako at tumango. ''Alright. Pupuntahan ko siya sa condo niya mamaya.''
''Sus! Tignan mo, Lucy! 'Di mo rin matiis, 'no?'' pang-aasar niya sa 'kin.
Kinindatan ko siya. ''Just claiming what's mine.''
Nagpatuloy na kami sa pamimili. I found enough materials to use. Buti na lang ay may knowledge si Bea sa pagpipinta kaya tinulungan niya 'kong mamili ng mga gamit kanina. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay dahil hindi ako nahilig habang lumalaki ako. Ngayon lang talaga.
''Dito ka na?'' wika ko kay Bea nang itinigil ni Mang Jimmy ang sasakyan sa isang residential area.
''Yup! Diretso ka na kay Ja-''
''Shh!'' agad kong itinakip ang kamay ko sa bibig niya bago niya pa sabihin ang pangalan ni Jarrell. Tinignan ko si Mang Jimmy sa rear-view mirror upang malaman ang reaksyon niya at buti na lang ay sa labas siya nakatingin! Baka mamaya mag report pa 'to kay Kuya Ismael, e! Masyado pa namang pakialamero 'yon!
BINABASA MO ANG
Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)
General FictionElegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil doon, lahat ay binigay sa kanya ng ama at mga kapatid para punan ang espasyong hindi na mapupunan ng ina. She had all of the things she wante...