Kabanata 14
Marco
Ilang minuto pa akong nakatayo sa corridor simula nang unti-unti kong nakita ang pag-layo ni Jarrell sa akin. There's a lump in my throat, almost making me feel the shattered part in my chest. Pinunasan ko rin ang namumuong luha sa mata ko.
What he said was.. painful. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa utak ko. Tagos.. hanggang sa buto.
Bakit ganon? Am I hard to like? Am I.. uninteresting?
Sa lahat manlang ba ng oras na tinuon ko sa kanya, sa mga araw na pinanood ko siyang naglalaro sa kung saan man, hindi manlang ba niya 'yon nagustuhan?
Was it annoying?
Am I annoying?
Mariin kong hinawakan ang tote bag na nakasabit sa balikat ko at tumalikod. Hindi na muna ako papasok. Nawalan ako ng gana na humarap sa mga kaibigan ko ngayong ganito ang lagay ko. I don't like them to notice the sadness which I'm sure is clearly noticeable in my face. Ayokong.. madumihan ang imahe ni Jarrell. Lalo na kay Liana na sigurado akong magagalit kung sakaling malaman niya ang nangyari.
Sa halip na pumasok sa classroom, pumunta na lang ako sa mall at naglakad-lakad. I look out of place. Ang karamihan ng mga nandito ay maaayos ang porma, mukhang nagsasayang ng oras. While me.. I look different because of my school uniform.
Baka mamaya, isipin pa ng mga 'to na nag cut ako ng klase. 'Di bale na, totoo naman. Saka college naman na ako!
Dumiretso ako sa third floor ng mall kung nasaan ang salon na pamilyar sa akin. Agad akong binati ng isang nakangiting staff na katatapos lang tumayo galing sa barber chair. Pinasadahan ko ng tingin ang lugar at isa pa lang ang customer, mukhang nagpapagupit.
''Hi, Miss! Maga-apply ka ba?'' ngumiti iyon sa 'kin. ''Pasensya na, ha. Wala kaming job hiring ngayon.''
My forehead creased. Sa itsura kong 'to.. mukha ba akong naghahanap ng trabaho?!
''Excuse me? I'm here to afford your services and not to apply for a job,'' umirap ako at umupo sa barber chair, nasa likod ko na iyong staff. Padabog kong binaba ang tote bag ko.
Mariin kong pinikit ang mata ko at bumuntong hininga. Calm down, Lucy. 'Wag mong ibuntong sa iba ang init ng ulo mo.
''Ay shuta! I'm sorry, Ma'am!'' aniya at agad na lumapit sa akin. Nakita ko ang kaunting kahihiyan sa mukha niya. ''This is our magazine. Pwede mong tignan diyan kung anong gusto mo!'' he suggested.
Tinanggap ko iyon at sinimulang buklatin. Do I look the same? Boring ba ang itsura ko? If I change something on my look, will Jarrell like me? Hindi na ba siya maiirita sa 'kin?
''Maganda na ang buhok mo, Miss. Kung tutuosin, pwedeng magpagupit ka na lang! Broken hearted ka ba? Fresh from a break up?'' the staff asked me with so much malice. Hinahawakan niya ang buhok ko at may kung ano-anong pose na ginawa ro'n habang nakatingin sa salamin.
Aba, chismosa!
''A-ahm..''
I don't know how to properly respond with that. Broken hearted, siguro, oo. Pero from a break up? At kay Jarrell?
Impossible.
''That's okay, darling! Nako, hayaan mo na ang lalaking 'yon! Wala siyang balls!'' humagikhik siya.
Hindi ko na tuloy naiwasan na matawa rin. That made me somehow relieved and happy. Sandaling natanggal ang tinik sa dibdib ko.
I looked at her metal name plate.
BINABASA MO ANG
Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)
General FictionElegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil doon, lahat ay binigay sa kanya ng ama at mga kapatid para punan ang espasyong hindi na mapupunan ng ina. She had all of the things she wante...