Kabanata 4

749 15 1
                                    

Kabanata 4

Late


''Iiwan lang ang kuting dito?'' nakangiwi kong sabi.

Nakapasok na kami ni Lionel sa ST garden. There are little to no student here since the classes just began. Ang tanging nakikita ko lang ay siya at ang mga pusang nakapaligid sa kanya. Hinahaplos niya ang ulo ng isang malanding pusa na kulay orange na mumhang nage-enjoy sa humahaplos sa kanya. Pagkatapos ay nilapag niya ang kuting na nasa isang kamay niya kaya't nakihalubilo na iyon sa mga matatabang pusa na nasa sahig din.

''Yup. Makikita na 'yan ng mga bantay rito. May pagkain din sa harap ng cr kaya't hindi na masamang iwan,'' sagot niya at tumayo. Pinagpag niya ang kamay niya at humarap sa akin.

''Ah.. Sino ba ang nagpapakain diyan? Saka baka pagalitan tayo kasi hindi naman ang school ang may ari niyan, e. Baka isipin nagdagdag tayo nang palamunin.''

He chuckled. His piercing shined. 'Di ba siya pagagalitan sa hikaw niya? Hindi siya nakita ng guard ah? Bawal pa naman 'yan dito.

''May organization dito para sa mga pusa. If you really care about the cats, you can donate. May piso para sa pusa program sila,'' aniya at nilagpasan ako. 

Nakita ko siyang palapit na sa hagdan kaya't sumunod agad ako. How dare he leave me e sabay kaming late dahil sa kuting!

''Wait! Hindi ka nanghihintay ha? Late na rin ako kaya samahan mo ako.''

Sinabayan ko siyang umakyat sa hagdan. I can see him smiling pero hindi ko alam kung bakit. Baliw ba ang isang 'to?

''Bakit ka nangingiti riyan? May problema ka ba?'' hinigpitan ko ang kapit sa tote bag ko. May mga kasabay na kaming studyante na umaakyat sa hagdan.

Umiling siya, nangingiti pa rin. ''May naaalala lang ako.''

I scoffed. ''Kanina ka pa may naaalala. MMK ka ba?'' 

Malakas siyang tumawa at umiling-iling. Lumabas ang dimples sa babang pisngi niya nang lumapad ang ngiti. He looks like a laughing fuck boy. But then, the softness and lightness of his vibe balances his physique. Tamang timpla lang.

''Saan ang klase mo?'' si Lionel iyon.

Nasa second floor na kami at nasa gitna ng daanan. I looked at him and saw his lips twitching, trying to repress a smile.

''Doon sa pangalawang kwarto. Hatid mo naman ako, oh. Kapag nagsisimula na sila sa klase, kain na lang tayo. Libre ko!'' I shamelessly offered.

Nakita kong kumunot ang noo niya. I'm sure he found my offer odd considering that we are not close or friends, atleast. Ngayon ang unang beses naming magkita at magkausap but I feel comfortable around him. I don't know. Sigurado naman akong mabait ang isang 'to dahil vice president ng org.

''You skip classes?'' 

I nodded. ''Oo naman! Pero minsan lang. Ikaw ba?''

''I do but.. my reasons are often valid.''

Naningkit ang mga mata ko. ''Pinaparating mo ba na hindi valid ang reason ko? Nag-alaga kaya ako ng inabandonang pusa! Ang tawag do'n..'' sandali akong nag-isip. ''... animal shelter! Anong akala mo?''

Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti niya na napunta sa halakhak. Hala siya! Is he crazy or something? Kanina pa siya tumatawa! Or he finds me funny? Weird.

''Anong animal shelter? Hindi mo naman binahay yung pusa,'' he shook his head while smiling. ''Tara sa klase mo. Kung nagsisimula na sila, I'll be with you.''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon