Kabanata 30
''Sinong tinitignan mo riyan?''
Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong sa akin. Nakahawak sa dibdib akong lumingon at naabutan si Kuya Roman na blangkong nakatingin sa garden namin kung nasaan si Jarrell na naglilinis. Malapit na siyang matapos at magsisibak naman siya ng kahoy pagkatapos ayon kay Kuya Ismael.
''Para kang kabute. Ba't ka ba biglang sumusulpot?'' halos pasigaw kong reklamo, gulat pa rin. Hinampas ko ang balikat niya kaya agad siyang umiwas. ''Saka ba't ka ba nandito?! Pa'no ka nakapasok?''
''Bukas pintuan mo.'' Tinuro niya ang bukas kong pintuan. Umawang ang labi ko dahil mukhang naiwanan kong bukas 'yon. Kaya siguro siya nakapasok. ''Boyfriend mo ba 'yan?''
Ngumuso siya upang ituro si Jarrell. Agad akong umiling.
We haven't reconciled yet. Or so I thought. Hindi naman namin napag-usapan na kami ulit at kung ako ang tatanungin, ayoko pa. Ayoko muna ulit.
Nasira ang tiwala ko at pakiramdam ko, hindi 'yon agad-agad maibabalik. Hindi sapat ang salitang pagmamahal para maibalik ang dati. Napagtanto ko sa mga nagdaang linggo na masyado akong nagtiwala sa kan'ya. Masyadong malaki at malalim ang pagmamahal ko para sa kan'ya na hindi ko manlang siya pinagdudahan.
Besides, I felt like everything about us was rushed. Ang bilis. Ang bilis maging kami, ang bilis kong bumigay sa kan'ya. In return, ang bilis ko ring nasaktan. Kaya kung.. ayos lang sa kan'ya, ayokong madaliin ang lahat. Kung kaya niyang mag-hintay sa 'kin, sana'y kayanin niya.
''Hindi ako naniniwala,'' sagot niya.
''Edi 'wag. Hindi ka naman pinipilit.'' Umirap ako at muling sinilip si Jarrell na winawalisan ang malaki naming gate. Buti na lang at hindi na shovel ang gamit niyang walis!
I'm not knowledgeable with cleaning but at least I know the basics! Hindi 'yong katulad niya na pangbungkal ng lupa ang gamit para mag-walis ng dumi!
''Hindi mo boyfriend?'' pag-uulit niya.
Tumango ako. Maingat akong sumisilip mula dito sa bintana ko para masilayan si Jarrell na seryosong-seryoso sa ginigawa. Tagaktak na ang pawis niya at halatang-halata 'yon dahil sa sinag ng araw. Kanina pa siyang umaga riyan at hindi pa nagpapahinga. Maka-ilang ulit na siyang bumuntong hininga at napatingala dahil sa pangangalay.
Napabuntong-hininga ako. I'm sure he's tired. Hindi siya sanay sa mga ganitong gawain, e.
''Sigurado ka?''
''Oo nga! Kulit mo naman, e!'' iritado kong sagot.
Umirap ako sa kan'ya at nang ibinalik ko ang tingin sa bintana, nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin ni Jarrell. Nakangisi siya at tila tuwang-tuwa dahil nabisto ako! Kumaway siya sa 'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko'y nawalan ako ng dugo sa mukha.
Agad 'kong iniwas ang mukha ko at nagkunwaring naglilinis ng bintana. Para akong tanga dahil kamay ko lang ang gamit ko sa pagpupunas ng dumi para lang magmukhang hindi ko siya binabantayan!
''Ano 'to, sahig?'' pagmamaang-maangan ko. ''Wooh! Ang dumi-dumi!''
Napatawa si Kuya Roman. ''Para kang highschool.''
''Sssh!'' I hissed. Dahan-dahan kong binalik ang tingin para malaman kung nakatingin pa siya. He doesn't know where my room is but for sure, now that he saw me peeping, he know where it is! Nakakainis!
''Talk to him, Duh,'' He clicked his tongue as he rolled his eyes with so much attitude. I couldn't hep but to scowl. ''Bring him food. He hasn't eaten yet since he went here.''
BINABASA MO ANG
Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)
Ficción GeneralElegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil doon, lahat ay binigay sa kanya ng ama at mga kapatid para punan ang espasyong hindi na mapupunan ng ina. She had all of the things she wante...